CHAPTER 76

1.3K 41 4
                                    

"PASENSIYA NA kung medyo natagalan ako mga anak.. anyway, maari ko bang malaman kung ano ang naging usapan ninyong magkapatid kaninang wala ako? okay lang ba kayo dito ha?"

agad na wika at tanong ng daddy namin ni enzo sa aming dalawa.

kunway ngumiti naman ng matamis ang hypocrite at magaling kong kapatid kay daddy at sa akin bago sinabing...

"of course dad, okay na okay kami dito ni.... kuya ethan.. ahmm.. marami na nga kaming napag usapan tungkol sa kung anu ano sa mga trabaho namin. right KUYA ETHAN?"

wika ng magaling kong kapatid sa ama sabay sinulyapan ako nito sa huling sinabi na sinadya pang diinan ang salitang KUYA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

wika ng magaling kong kapatid sa ama sabay sinulyapan ako nito sa huling sinabi na sinadya pang diinan ang salitang KUYA.

"yah.. tama si ENZO dad.. okay na okay kami.. and... hindi ko iniexpect na sa unang pagkakataon na magkasama kaming dalawa.. i mean, ngayong gabi.. e mag eenjoy ako sa company niya.. hindi ko talaga lubos maisip na,.. very fun to be with at cool kausap pala nitong KAPATID KO"

kunway sabi ko sabay sinulyapan ng makahulugan si enzo at diniinan ko din ang salitang KAPATID KO sa kaniya.

"talaga? wow! alam niyo mga anak. hindi niyo alam kung paano ko naapreciate ang mga sinabi niyong yan sakin.. at dahil din dun.. naiisip ko ngayon na ang suwerte suwerte ko talaga dahil nagkaanak ako ng parehong mabait at hindi lang yun.. super handsome pa katulad ng DADDY nila, right?!"

natutuwang pahayag samin ni daddy at pinilit nalang naming makitawa ni enzo sa ama naming dalawa upang hindi ito makahalata sa init at tensiyon na hanggang ngayon damang dama ko pa dahil sa init ng pagtatalo namin kanina.

******************************

KANINANG KANINA KO pa napapansin ang pagiging masungit ni ethan at pagsisismangot niya simula nung umalis kami sa bahay ng mga santillian kanina.

ngayong pauwi na at nasa sasakyan kaming dalawa. wala lang itong imik at mukhang kay lalim ng iniisip. maging sa pagmamaneho ay parang kaniya ang kalsada at kung mag drive nalang ay para bang nakikipagkarera. napapailing nalang ako sa ginawa nitong yun at naisip ko, hindi ata siya nadala sa aksidenteng nangyari sa kaniya noon? at hindi lang yun. halos mapakapit ako ngayon sa aking kinauupuan dahil sa tindi ng takot na nadarama sa klase ng kaniyang pagmamaneho ngayon.

"AH ETHAN, nagmamadali ba tayo? puwede bang pakibagalan naman ang pagmamaneho mo kasi baka mabangga tayo e. alalahanin mo, buntis ako. kawawa naman ang anak natin kung maaaksidente tayo.. mabuti sana kung ako lang ang matsutsugi pero kung pati ang baby natin madadamay.. kawawa naman siya diba?"

takot na takot kong wika kay ethan habang nakahawak sa aking kinauupuan.

para namang biglang natauhan sa sinabi kong yun si ethan.

"i-im sorry grace, pasenisya kana? nasaktan kaba? ang baby?"

bigla ay tanong ni ethan sakin at ngayon nga ay normal na uli ang takbo ng kaniyang sasakyan.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon