CHAPTER 6

3K 82 5
                                    

"HELLO good evening!" masigla kong bati sa sekretarya ni Sir. Ethan.

kanina pagkatapos kong magtrabaho. naisipan ko na munang dalhin kay sir ang ginawa kong yema kagabi para sa kaniya bilang pasasalamat sa mga naitulong niya sakin. pati na rin sa pagpapabalik niya uli sakin sa trabaho.

alam kong nakakahiya itong ibibigay ko kasi biruin mo naman yema lang.. pero yun lang talaga ang kaya ko sa ngayon. short pa sa budget e. pero kapag nagkapera na'ko reregaluhan ko talaga si sir ng mas maganda at mas maayos kaysa dito sa yema. anyway, sana magustuhan ni sir itong yemang ginawa ko.

ngumiti muna sakin ang sekretarya bago nagsalita.

"oh hi din! good evening. sino sila at anong kailangan nila?"

"ah ako si grace. nagtatrabaho din ako dito bilang cleaner. gusto ko lang sanang malaman kung nandiyan ba si sir. Ethan? puwede ko ba siyang makausap? at saka kasi may ibibigay din sana ako sa kaniya e? okay lang ba?"

umaasa ako na sana pumayag ang sekretarya ngunit ganun na lamang ang panlulumo ko nang sabihin nitong hindi daw puwedeng maistorbo si sir, unless kung may appointment daw ako.

"e wala akong appointment sa kaniya e. may ibibigay lang sana ako. hindi ba talaga puwedeng kausapin siya kahit two minutes lang? sandaling-sandali lang talaga ako promise.."

"naku pasensiya kana talaga miss ha, pero hindi talaga puwedeng istorbohin si sir e. yun ang kabilin-bilinan niya sakin. huwag na huwag akong magpapasok sa office niya ng kung sinu-sino unless kung may appointment nga daw sa kaniya. sorry talaga ha. kung gusto mo ibigay mo nalang sakin yang ibibigay mo para sa kaniya. pagkatapos, ako nalang ang magbibigay kay Sir. Ethan paglabas niya."

napalabi naman ako sa mga sinabing yun ng sekratarya at nang ibibigay ko na sana ang yemang ginawa ko para kay Sir. saka naman tumunog ang telepono ng sekretarya at sinagot yun.

si sir. Ethan ang nasa kabilang linya. sinenyasan ko ang sekretarya na banggitin ako. baka sakaling makalusot. nang matapos makipag-usap ng sekretarya kay sir e ganun na lamang ang tuwa ko nang sabihin niyang puwede na daw akong pumasok sa loob ng opisina ni sir ethan. yeay!

sa sobrang tuwa ko naman. ang extra yema na dala ko, binigay ko nalang din sa sekretarya at natuwa naman siya sakin sabay nagpasalamat.

kumatok muna ako ng marahan sa private office ni sir bago pumasok. pagpasok ko nakita ko siyang abalang-abala sa pagta-type ng kung ano sa kaniyang computer.

"hi sir! pasensiya na po sa istorbo ha."

"miss manalo. anong meron at gusto mo daw akong kausapin sabi ng sekretarya ko?"

tanong ni sir nang itinigil muna ang kaniyang ginagawa sa computer.

kiyeme naman akong ngumiti kay sir, bago inilabas sa aking bag ang naka-tupper ware na yemang ginawa ko kagabi.

"ay sir para po sa inyo." sabi ko sabay abot sa kaniya ang naka-tupper ware na yema. medyo nag-alanganin at nagtataka pa si sir. ethan nang abutin yun sakin.

"ginawa ko ho yan kagabi. masarap po yan."

"a-ano ito? para saan ito?" kunot-noong tanong ni sir.

"ay sir yema po yan. ginawa ko po yan talaga para sa inyo. alam kung medyo cheap pero yan lang po ang nakayanan ng budget ko sa ngayon, pero sir promise kapag nagkapera na'ko. mas bongga na diyan ang ibibigay ko sa inyo"

"miss. manalo, hindi ko maintindihan. bakit mo ako binibigyan ng ganito? para saan talaga 'to?"

"bilang pasasalamat ko po yan sa mga naitulong niyo sakin nung nalasing ako. saka pati narin sa pagpapabalik niyo uli sakin dito para mag-trabaho. so yun. naisipan kong igawan kayo niyan para naman kahit diyan diba, maipadama ko sa inyo na sobrang thankful ako dahil sa mga naitulong niyo para sakin."

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon