CHAPTER 24

1.8K 57 1
                                    

kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon ni grace at Kanina ko pa napapansin na parang balisa siya at ninenerbyos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon ni grace at Kanina ko pa napapansin na parang balisa siya at ninenerbyos. kanina nang sunduin ko siya sa kanila. parang hindi na siya mapakali na ewan.. kapag tinatatanong ko naman siya kung okay lang ba siya o may problema ba? okay lang lagi ang sagot niya.

papunta kami ni grace ngayon sa FL ARCHITECTURAL FIRM. ang kompanya na pagmamay-ari ng kapatid ni daddy na si tito fernand. kay tito ko ipapasok ng trabaho si Grace at ipapakilala na rin at the same time.

"Baby, okay ka lang ba talaga? kanina kapa kasi mukhang tense e. please tell me, is there's something wrong?"

nag-aalala kong tanong uli kay grace dahil sa kanina ko pa nga nakikita ang pagka-balisa nito. huminga muna ng malalim si grace bago nito sinabi sakin ang tunay na dahilan ng pagkakaganun niya.

"ang totoo niyan. nate-tense lang talaga ako sa unang pagkikita namin ng tito mo. saka isa pa, naiisip ko lang din na baka kapag nalaman ito ng mama mo. baka mas lalo lang siyang magalit sakin."

"Baby, ano kaba? ilang beses ko na ba'ng sinabi sayo na wala kang dapat alalahanin. so what kung malaman nga ni mama na nagtratrabaho ka kay tito fernand? hindi puwedeng makiilam at basta-basta kana lang paaalisin dun ni mama kasi si tito ang nagmamay-ari ng kompanyang yun okay?"

"alam ko naman yun e, kaso hindi ko pa din maiwasang mag-isip talaga. saka, okay lang ba talaga sa tito mo na sa kaniya ako mag-tratrabaho?"

"nakapag-usap na kami ng maiigi ni tito fernand. at sinabi niyang okay na okay lang daw sa kaniya. and besides, excited din si tito na ma-meet ang napakaganda at mabait kong girlfriend."

"sus! nambola kapa!"

"excuse me, hindi ako nambobola okay. para sakin, ikaw ang pinaka-magandang babae sa buong mundo"

"talaga lang ha?" ngingiti-ngiting wika nito

"sobrang talaga"

sagot ko din naman sabay inabot ang kaniyang kamay para halikan yun.

"i love you, baby"

wika ko dito kapagkuwan habang dinadampian ng halik ang kamay nito.

"mahal na mahal din kita, baby. salamat sa pagtulong mo sakin ha. kung hindi dahil sayo. malamang hanggang nagyon naghahanap pa din ako ng trabaho"

"ayos lang yun. diba nga sabi ko sayo. tutulungan kitang makahanap ng trabaho. at saka please, huwag kanang ma-tense diyan okay. sinisigurado ko sayong mabait si tito fernand. parang anak na ang turing nun sakin at daddy naman ang turing ko sa kaniya. ganun kami ka-close"

nakangiting tumango nalang si si grace sakin at sinabing okay, sabay ginawaran ako ng halik sa pisngi.

"pisngi lang? hindi ba puwede dito"

kunway reklamo ko sabay ngumuso ako sa bandang huli.

"para kang sira. nagmamaneho ka okay, baka mabangga pa tayo"

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon