CHAPTER 81

1.3K 39 10
                                    

HALOS KATATAPOS ko lang magluto ng paboritong ulam ni enzo na sinigang na isda at ngayon nga, nakapaghanda na din ako ng mesa para sa aming dalawa.

gusto kong tawagin si enzo para kumain na sana ngunit hindi ko naman magawa gawa dahil sa nagawa kong kasalanan sa kaniya.

Kanina nang mahulog siya sa punong buko at dalhin ko siya sa hospital. mula nun, hindi na talaga niya ako inimikan. marahil galit sakin si enzo.. kasi naman, nang dahil sa pagiging makulit ko, nahulog siya tuloy sa puno ng buko.

nakakainis! kung bakit ba naman kasi ang kulit kulit ko lalo ngayon kapag may mga pagkain akong gustong kainin.

una. yun nangyari sa asawa kong si ethan. nang dahil sa kagustuhan kong kumain ng pinya. sa hindi inaasahan. nagka amnesia siya at nagkanda peste letse ang buhay naming dalawa.

at ngayon naman si enzo. nang dahil sa inaasam kong buko. nasaktan siya at napilayan.

anyway, ngayon ngang nakapaghanda na ako ng tanghalian namin ni enzo. huminga muna ako ng malalim bago ko niyayang kumain ang asawa ko kuno..

"ENZO, nakapagluto at nakapaghanda na ako ng mesa. kakain na tayo"

anyaya ko sa kaniya ngunit ni anong kibot, hindi talaga ako inimikan nito. napakamot nalang ako sa aking ulo sabay huminga uli ng malalim at lumapit sa kinaroroonan ni enzo. nang makalapit ako. umupo ako sa tabi niya at mataman ko muna siyang tinignan bago ko nagawang magsalita.

"galit kaba sakin?"

tanong ko, ngunit kagaya kanina wala pa rin itong imik at hindi man lang niya ako sinulyapan talaga.

"sorry na oh.. patawarin mo na ako. pasensiya kana talaga sakin. gusto ko lang naman kasing kumain ng buko kaya-----"

"sinabi ko naman kasi sayo kanina. hindi ako marunong umakyat at takot ako sa heights pero ipinagpilitan mo pa din ang gusto mo. ito tuloy ang nangyari. imbes buko ang makuha ko. bukol ang inabot ko. hindi lang yun. may pilay pa. sa ganitong kalagayan ko. paano nako babalik nito ngayon ng manila"

pahayag ni enzo at napalabi naman ako.

"kaya nga nagso sorry nako sayo e. sorry na, patawarin mo nako please.. kung gusto mo, habang nandito ka ipagawa mo sakin lahat ng gusto mo, kahit ano talaga gagawin ko, makabawi lang ako kahit paanu sa nangyari sayo ngayon"

sinulyapan naman ako ni enzo sa sinabi kong yun sabay sinabing...

"talaga, kahit anong gusto ko at ipapagawa ko sayo, gagawin mo?"

naniniguradung tanong ni enzo.

"oo, kahit ano talaga promise! gagawin ko. peksman! mamatay man ang lahat ng pesteng lamok dito ngayon!"

nangangakong wika ko at tuluyan namang napangiti ko na si enzo.

"sira ka talaga. kung anu ano ang mga sinasabi mo. pati mga lamok idinadamay mo pa"

iiling iling at napapangiting komento ni enzo sakin.

"ikaw ang sira diyan ano. alam mo na ngang hindi ka marunong umakyat at takot ka sa heights e sumige ka pa din"

"e kasi nga po, ang kulit kulit ninyo. at saka diba nga sabi ninyo. gusto niyong kumain ng buko. kaya naman kahit pa ikamatay ko. umakyat pa din ako para ikuhanan kayo mahal na reyna ng buko ninyo. well, yun nga lang. sa minalas malas, ito ang inabot ko. at saka teka nga muna.. bakit para atang sakin mo pa isinisisi at nagkaganito ako ha?"

pahayag at tanong ni enzo at ako naman pabirong kinurot ang pisngi nito sabay sinabing...

"eto naman. nagalit ka naman agad diyan. hindi kita sinisisi okay.. sorry na. chill chill kana diyan mr. santillian. bati na tayo ha.. sige na, bati na tayo, please..."

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon