CHAPTER 4

3.6K 89 1
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata, parang may iba akong napansin sa loob ng aking kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagmulat ko ng aking mga mata, parang may iba akong napansin sa loob ng aking kuwarto. parang iba? teka kailan ba ako nagpalit ng pintura? bakit ata naging navy blue ang kulay ng kuwarto ko e lagi namang puti ang kulay nun? saka parang hindi ata ito bahay namin? parang...

"oh no!" gulat na gulat kong sambit nang marealize kong wala talaga ako sa aking kuwarto dahil nasa ibang bahay ako! nahulog pa ako sa kama dahil sa aking gulat at biglaang pagbangon.

aaaaaahgghhh! kaninong kuwarto 'to?

sino ang nagdala sakin dito?

napahawak ako sa aking sentido at pilit na inaalala kung ano ang nangyari.. ngunit hindi ko talaga maalala. ang tanging naaalala ko lang ay yung time na naglasing ako sa pub kagabi. yun lang!

tsinek ko ang aking damit at yun pa rin naman ang suot ko.

kung babae ang nagdala sakin dito. ayos lang. marahil sa sobrang kalasingan. nakatulog nalang ako basta sa pub at naawa siya. dinala ako dito sa bahay nila.

pero paano naman kung lalake? naku po! hindi kaya nakipag-one night stand na'ko dahil sa sobrang kalasingan kagabi at nawala ako sa sarili?

"aaaaggggghhhh! it cant be! hindi maari. hindi puwede..."

pinakiramdaman ko ang aking sarili.

wala nama akong weird na nararamdaman?

diba sabi nila pag first time, masakit? wala namang masakit sakin.

naku po! kailangan ko ng umalis dito. now na! baka lalake nga yung nagdala sakin dito. ayoko siyang makita. nakakahiya! ano nalang ang ginawa ko kagabi? ano ang mga sinabi ko?

naku tama na ang isip-sip! aalis nako!

inumipisahan ko ng ayusin ang aking sarili at kinuha ang aking bag na nakalagay sa bedside table. dahan-dahan akong naglakad upang hindi yun makalikha ng ingay at maramdaman ng lalake ang aking pagtakas.. pinakiramdaman ko ang paligid kung safe ng lumabas ng kuwarto.

nang makasigurado akong safe naman. lumabas nako. muli ay dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating ako sa kinaroroonan ng sala.

in fairness ang ganda ng bahay.. este condo unit lang pala.. maganda, magara at lalakeng-lalake din ang ambience ng sala katulad nung nasa kuwartong tinulugan ko kanina.

lalakeng-lalake? ibig sabihin lalake talaga ang naghatid sakin dito?

natutop ko ang aking bibig dahil sa realisasyon kong yun.

diyos ko day! kailngan ko ng umalis. nakakahiya sa lalakeng yun. saka masama man ang umalis ako ng walang paalam pero kailangan ko na talagang umalis. nakakahiya. hindi ko siya kayang harapin.

aalis nako. now na!

muli ay dahan-dahan akong naglakad papunta naman sa main door upang lumabas na nang madaanan ko ang kusina.

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon