CHAPTER 42

1.3K 38 8
                                    

Sobrang sama ng loob, galit at selos ang nadarama ko ngayon dahil sa nakita kong pakikipaghalikan ni ETHAN sa babaeng hindi ko kilala sa pribadong opisina niya kanina.

masama ang loob ko dahil hindi ko inaasahang magagawa sakin ni ethan ang ganito. galit na galit naman ako dahil sa lahat ng sakit at pang-aalipusta  sakin ng ina niya. lahat ng yun tinanggap ko. kasi nga mahal na mahal ko siya.

pero ano ang ginawa sakin ni ethan? ganito lang pala!

ang sakit-sakit! sobrang sakit talaga na makita ko si ethan na may ibang babae siyang kahalikan. buong akala ko ako lang ang babae sa buhay niya at bukod tanging minamahal niya. pero hindi pala. nagkamali ako. hindi pala katulad ng pagmamahal ko ang nadarama niya para sakin.

nagseselos ako! sobrang pagseselos ang nadarama ko ngayon talaga dahil sa babaeng kahalikan niya kanina! bakit ganun? hindi pa ba ako sapat para kay ethan at kaya naman nagawa niyang maghanap ng iba? hindi kaya ang dahilan kung bakit may iba pang babae si ethan e dahil hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang pangangailangan nito bilang isang lalake? hindi kaya may nangyari na sa kanila nung babaeng yun ng wala akong kaalam-alam?! hindi kaya---

"BWESIIITTTT!"

wala sa sariling naisigaw ko dahil sa tindi ng emosyon ko lalo pa sa huling naisip ko. kasalukuyan akong nasa pub ngayon at umiinom, para naman kahit papaano mamanhid ako sa lahat ng negative na emosyon kong nadarama ngayon. yun ay kung mawawala talaga kahit papaano? pero paano kung hindi?

"i hate you ethan! naiinis ako sayo! ang kapal-kapal ng mukha mo!"

sigaw ko ulit bago tinungga ang bote ng alak na iniinom ko.

mahal na mahal ko si ethan! kung talagang mahal niya ako. makakapaghintay siya at hindi niya hahanapin ang pangangailangan niyang yun bilang isang lalake sa ibang babae!

pero hindi ganun nag nangyari e! ayun nakita ko siya kanina may kahalikang ibang babae at mukhang gulat na gulat silang dalawa nang umeksena ako at kulang nalang talaga magkulay sukang puti ang mga mukha nila pagkakitang-pagkakita sakin!

kung gugustuhin ko. nung mga oras din'g yun. kakalmutin ko at tsustsumbagin ko yung babae hanggang sa tuluyan ng masira ang nakapaganda nitong mukha. pero hindi ko ginawa yun. kasi naisip ko. bakit pa? para saan pa? wala naman akong mapapala at magmumukha lang akong tanga at kaawa-awa sa gagawin kong yun sa kaniya.

mas pinili ko ang mag-walk out nalang ng bigla at nagmamadali akong umalis ng building na yun kahit pa man alam kong hinahabol ako ni ethan that time talaga.

panay ang tawag sakin ni ethan pero hindi ko talaga siya pinansin.

hindi ko siya nilingon o kahit ano man lang.

dahil galit ako! as in galit na galit ako! hindi lang dahil sa ginawa niya kundi lalo na sa kaniya!

ganun pa man. sa paghabol na yun sakin ni ethan kanina. hindi niya ako inabutan at heto nga ako ngayon. tuluyan ng hindi pumasok sa trabaho dahil alam kong doon niya ako pupuntahan. pati ang umuwe sa bahay din namin hindi ako umuwe talaga dahil sigurado akong pupunta siya doon para mag-usap kaming dalawa.

at ano ang pag-uusapan namin nito? yung ka-walang-hiyaan nila nung babaeng katukaan niya?

DAMN HIM! I HATE HIM! minahal ko siya ng tapat at sobra. pagkatapos ito lang pala ang gagawin niya sakin?!

ang sakit-sakit! ang sama-sama ng loob ko talaga sa kanilang dalawa nung babae niya! mas lalo pa akong napapaiyak ngayon dahil sa singer ng pub na kasalukuyang kumakanta ng LOVE SONGS na parang nanadya pa talaga sa pagse-senti-senti ko at pag-iiyak-iyak! bwesit talagaaaaaaaaaa!

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon