CHAPTER 90

1.2K 51 6
                                    

"GOOD MORNING Baby, saktong sakto! tapos na akong maghanda ng almusal natin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GOOD MORNING Baby, saktong sakto! tapos na akong maghanda ng almusal natin. nagluto ako ngayon ng favorite mong tosilog. sige na maupo kana dito"

wika ko kay ethan nang makitang bihis na ito at naka ready na para sa pagpasok sa opisina. and speaking pala sa kaniyang trabaho ngayon. bumalik na si ethan sa kanilang kompanya bilang boss uli doon kagaya ng dati nang magkabati silang mag ina.

sa totoo lang hindi ako makapaniwalang okay na silang mag ina ngayon pagkatapos ng lahat. aaminin ko. hanggang ngayon hindi pa din ako handang patawarin ang ina ni ethan sa mga nagawa niya samin at naiitindihan naman ako ng asawa ko. hindi niya ako pinipilit o ano pa man. bagkus sinasabi pa nito sakin na.. kung kailan daw kaya ko ng magpatawad at bukal sa loob ko. kahit gaano man katagal na dumating sakin ang bagay na yun. naiintindihan ako nito.

well, mabait naman na si mrs. lopez sakin ngayon.. at sa ginagawa nitong yun. nakikita ko naman at nararamdaman kong sincere siya sa ipinapakita nito saking kabutihan.

pero ganun pa man, hindi pa din talaga ako handang patawarin siya at hindi ko pa kaya. marahil, masiyadong malalim lang talaga ang sugat na iniwan ng ina ni ethan sa puso ko kaya naman ganun nalang kahirap para sakin ang mapatawad siya agad.. but i know.. someday, somehow.. darating din ang araw na yun sakin.

anyway, mabalik tayo sa kasalukuyan. ngayong nakaupo at magkaharap na kami ni ethan sa mesa. inusisa ko naman ito kung anong oras na ba siya natapos sa kaniyang tinatrabaho kagabi.

"mga 4 am na siguro.." sagot naman ni ethan habang kumakain.

"late kana pala natapos kagabi... o mas tamang sabihin. umaga kana natapos. diba sabi ko naman sayo, huwag ka masiyadong magpupuyat"

wika ko habang sinasalinan ng kape ang tasa niya.

"baby, alam mo naman na kailangan ko ng tapusin yung ginagawa ko kagabi diba? kasi nga, kailangan ko na yun para sa meeting namin mamaya"

katuwiran ni ethan sakin at hindi na nga ako umimik dahil tama naman din ito.

"anong oras ba ang meeting ninyo mamaya?"

sa halip ay tanong ko nalang sa aking asawa.

"9:30 am ang meeting namin. dapat mga 8 nasa office nako para mareview ko pa uli yung mga trabahong ginawa ko kagabi.."

sagot ni ethan sabay sulyap sa relong pambisig nito. ako naman tinignan ko ang oras sa wall clock na nakakabit sa kusina at nakita kong 7:10 am na dun.

"e mga anong oras ka naman uuwi mamayang gabi? ano bang gusto mong ulam sa dinner? para yun ang iuutos ko kay rachel na bilhin niya mamaya sa palengke"

si rachel. siya yung babae na kinuha ni ethan noon na tumutulong sakin sa mga gawaing bahay at kasa kasama ko dito sa maghapon. mabuti nalang nung tinawagan siya ni ethan upang magtrabaho uli samin e available pa. sa tagal ba namang nawala kaming mag asawa diba?

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon