Marahas kong tinanggal ang eyeglasses na suot ko sabay kinusot ng aking kamay ang mga mata ko, dahil sa sumasakit na yung nakatutok sa harap ng computer ko kanina pa. sumasakit na din ang batok ko sa ngalay ng nakaupo at pati na rin sa stress kong nadarama dahil sa kakatrabaho kong walang pahinga mula kanina pang umaga.
"Fuck! im so tired!"
wala sa sariling naisigaw ko dahil sa puyat at pagod para matapos ang aking tinatrabaho. kung hindi lang nakasalalay sakin ang buhay ng kompanyang iniwan sakin ni daddy. hindi ako magtiyatiyaga na magpuyat at magpagod ng ganito talaga katindi.
mas lalo pang pagod ang pakiramdam ko. ngayong naiisip ko si grace dahil sa makailang ulit ko na itong tinawagan at nai-text. wala man lang ni isang sagot ito sa akin. hindi ko alam kung galit ba siya o may nangyari na sa kaniya na kung ano? kaya naman hindi nito masagot ang mga tawag at text ko sa kaniya kanina pa.
aaminin ko. nag-aalala ako kay grace pero naiirita din ako at the same time dahil sa hindi nito pagsagot sa mga tawag at text ko.
anyway, kasalukuyang si grace pa rin ang nasa isip ko nang marinig ko ang message tone ng aking cellphone na nasa tabi ko at agad ko namang dinampot yun upang tignan kung sino yun?
kay grace galing ang message na yun.
"hi baby! gising kapa ba?" basa ko sa text message ni grace.
pagkatapos kong basahin ang message ni grace sakin. agad ko naman itong tinawagan upang komprontahin dahil sa hindi niya pagsagot sakin kanina pa.
"hi baby! kamusta kana? im so sorry talaga hindi ko nasagot ang mga tawag at text mo kanina. naiwan ko kasi dito sa bahay ang cellphone ko e. halos kadadating ko nga lang ngayon galing sa disco kasama ng mga kaibigan ko"
agad na bungad sakin ni gace at napakunot noo naman ako sa huling sinabi nito.
"disco? mga kaibigan mo? you mean, habang worried na worried ako dahil sa hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko e nasa disco ka lang pala kasama ng mga kaibigan mo?"
iritado kong tanong kay grace pagkarinig sa sinabi nito.
"pasensiya kana talaga baby. huwag ka nang magalit sakin please.. naalala mo ba yung mga kaibigan kong ikinukuwento ko sayo dati. sina antonina at honey. kauuwi lang nila dito sa pilipinas. kanina pag-uwe ko dito sa bahay galing trabaho. nandito pala sila, hinihintay ako at yun nga niyaya nila ako na mag-disco. sa totoo lang ayoko sana kasu alam mo na. matagal kaming hindi nagkita ng mga kaibigan ko kaya pinagbigyan ko na. im so sorry talaga ethan, nakalimutan ko ang cellphone ko dito sa bahay e.. sorry na talaga.. huwag kana sanang magalit sakin please. im so sorry.."
mahabang pahayag sakin ni grace at ako naman, napabuntong-hininga nalang sa sinabi nitong yun sabay sinabing..
"baby hindi ako galit. naiirita lang ako kasi kung anu-ano na ang pumapasok na senaryo sa utak ko dahil sa hindi mo pag-sagot ng mga tawag at text ko kanina. oo aaminin ko. naiinis at naiirita ako ngayon pero hindi ibig sabihin nun. galit na ako sayo okay?"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...