CHAPTER 28

1.9K 46 2
                                    

Pagkatapos naming MAG-DINNER ni Grace. nagkayayaan kaming mamasyal nalang muna sa manila bay at doon namin itinuloy ang aming walang sawang kuwentuhan.

"alam mo madalas kaming nagpupunta dito noon ng mga kaibigan ko nung second year college ako. dito kami madalas tumambay nun kapag walang pasok o di kaya naman, kapag trip namin."

kuwento ni Grace sakin habang magkahawak-kamay kaming naglalakad nito.

"talaga? bakit ngayon hindi kana ba madalas pumupunta dito?"

"hmmm.. paminsan minsan nalang kapag alam mo na. kapag gusto kong mag-senti o di kaya kapag nalulungkot ako. yung ganun ba? e ikaw? hindi ka rin ba madalas pumupunta dito?"

tanong rin nito sa huli at umiling naman ako

"masyado akong busy sa pagpapatakbo ng kompanya namin kaya kahit ang pumunta dito para mamasyal, hindi ko magawa dahil sa dami kong gagawin at aasikasuhin sa opisina namin"

"ganun? kahit paminsan-minsan lang? kahit day-off mo hindi talaga?"

"well... dati nung college din ako. pumupunta kami dito minsan ng mga ka-barkada ko pero ngayon hindi na talaga.. kung pumunta man ako dito. madalang pa talaga sa patak ng ulan.. anyway.. ikaw.. i mean, yung mga kaibigan mong sinasabi mo sakin, nasan na sila? nagkikita pa ba kayo?"

ngumuso lang si grace sa tanong kong huli sabay umupo sa isang bench na naroon at umupo rin ako sa tabi nito.

"may dalawa akong kaibigan. isang girl at isang boy. si antonina isa siyang tomboy.. at si honey naman, bading... bongga diba? perfect match ang mga friend ko. tomboy at bakla. mga kabigan ko na sila simula pa nung second year college ako. parehong nursing ang kinukuha namin tatlo.. hanngang ngayon naman kahit papaano.. may connection pa rin naman kami.. nag-e-email sila sakin. pero kagaya nga din ng sinabi mo madalang din talaga sa patak ng ulan kung mag-email sakin ang dalawang yun. siguro dahil sobrang busy na sila sa trabaho nila ngayon at buhay-buhay nila. alam mo aaminin ko. nakakaingit silang dalawa. kasi mabuti pa sila nae-enjoy na nila yung moment nila na maging nurse.. as in nurse talaga.. si antonina nagtratrabaho siya ngayon sa isang hospital sa canada.. at yung kaibigan ko namang bading na mas malandi pa kaysa sakin. ayun, nasa amerika naman siya nagtratrabaho.. kapag nagsesend nga sila sakin ng mga picture nila.. hindi ko maiwasang mainggit talaga. kasi naisip ko, mabuti pa sila super success na sa buhay.. e ako? ganun pa rin! haaaayy.. alam kong masama ang maingit sa kapuwa kasi hindi maganda at walang magandang maidudulot yun.. pero siyempre human lang naman ako. im not perfect.. kahit ayoko, hindi ko pa rin talaga maiwasan"

mahabang pagkukuwento ni grace sakin habang seryoso lang siyang nakatanaw sa napakagandang view na nasa harapan namin.

"bakit ka naman maiingit sa kanila kung puwede mo namang ituloy ang pag-aaral mo ng nursing diba? hindi pa naman huli ang lahat para makapag-aral ka ulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"bakit ka naman maiingit sa kanila kung puwede mo namang ituloy ang pag-aaral mo ng nursing diba? hindi pa naman huli ang lahat para makapag-aral ka ulit. bata kapa at naniniwala akong matutupad mo rin ang pangarap mong maging nurse "

When Mr. Masungit Meets Miss. MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon