PAGDATING NA PAGDATING ko palang dito sa pad namin ni grace. agad ko siyang tinawag at hinanap kung nasaan siya.
"BABY IM HOME! nandito nako"
wika ko habang hinahanap ang aking asawa.
"Nandito ako sa office room mo, baby!"
sigaw naman ni grace at pinuntahan ko nga siya doon. pagdating ko dun. ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang nasa mataas na ladder habang nagkakabit ng kurtina.
"BABY! anong ginagawa mo? bumaba ka nga diyan, ngayon na! baka mahulog ka. buntis ka pa naman!"
takot na takot kong saway kay grace habang bumababa naman ito sa hagdan.
"e kasi nga kanina napansin kong ang dumi na nung kurtina. ayun nilabhan ko nga tapos nun inilalagay ko din agad para dito na siya kusang matutuyo"
katuwiran naman ni grace ngunit hindi ko pa rin maiwasang mainis sa ginawa niya.
"kahit na.. sana hinayaan mo nalang na madumi yung kurtina o kung hindi man. sana hinintay mo nalang na ako ang gumawa niyan. paano nalang kung nahulog ka? buntis ka pa naman at mag-isa ka lang dito. sino ang magtatakbo sayo kung sakali sa hospital? sa susunod huwag na huwag mo ng gagawin ito okay? ayoko ng mauulit pa ito grace"
panenermon ko kay grace at napalabi naman siya dahil dun.
"opo mahal kong asawa hindi na mauulit. teka nga, bakit ba parang ang sungit mo ata ngayon? daig mo pa akong naglilihi kung magsungit ngayon ah. may nangyari bang hindi maganda sa opisina ngayon?"
marahas naman akong napabuntong hininga sabay napahawak sa aking sentido sa tanong na yun ni grace bago siya sinagot.
"ayun, nagpunta si mama sa opisina kanina. nag usap kami"
inporma ko sa asawa ko.
"ha? e ano naman ang pinag usapan ninyo ng mama mo?"
tanong naman ni grace at ikinuwento ko sa kaniya ang detalye ng pinag usapan namin ni mama kanina at kung anong nangyari.
"alam mo, hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makapaniwala sa mga nagawa ng mama mo satin. at aaminin ko ethan, hindi ko pa kayang patawarin ang mama mo sa mga nagawa niya. im sorry"
pahayag ni grace kapagkuwan nang matapos akong magkuwento.
"okay lang yun. naiinitindihan naman kita e. kahit ako naman ganun din. hindi ko alam kung kaya ko pa bang patawarin si mama sa mga nagawa niyang yun satin. at aaminin ko din, sa isang banda naaawa naman ako kay mama kanina kahit pa man ganun ang nagawa niya satin. ina ko pa rin naman siya at hindi ko maiwasang makaramdam ng ganung emosyon sa kaniya"
malungkot na wika ko kay grace at niyakap naman niya ako sa aking baywang sabay sinandig ang ulo nito sa dibdib ko.
"okay lang yun baby, huwag kang mag alala, naiintindihan kita"
BINABASA MO ANG
When Mr. Masungit Meets Miss. Makulit
RomanceSi Grace, maganda masayahin kuwela madaldal at higit sa lahat saksakan ng kulit. Si Ethan, guwapo mayaman matalino seryoso at saksakan naman siya ng sungit. Parehong magkasalungat ang ugali ng dalawa kaya naman nang sila ay pinagtagpo ng tadhana kay...