BEA POV
Jia was trying to take away the panda na binigay ni Miguel. Hindi ko alam bakit pa niya tinatago, tapos sa bed pa niya nakalagay samantalang wala na sila ni Miguel.
Nakatingin ang lahat ng teammates niya sa amin kasi nagtatalo kami sa panda.
Because she is so persistent, bigla siyang tumalon para abutin yung panda, sa kasamaang palad, na out of balance siya at natumba papunta sa akin, kaya bumagsak kami pareho sa floor.
My back is on the floor, while she was on top of me. Hawak ko siya sa bewang while she is holding on my shoulder. Ang awkward ng posisyon naming dalawa.
ELLA: "Jia, Isabel, ano ba naman kayo! Kung bubuo na kayo ng pamilya, huwag diyan sa floor, dun kayo sa kwarto."
MICH: "Hala sila oh, dito pa talaga sa harap naming lahat."
AMY: "I want to be ninang ah." Hahaha
Gosh, nakakahiya. Kasalanan talaga to ng panda eh.
Kaya si Jia, namumula na ang pisngi. Agad siya tumayo and tumayo na rin ako. Pero hawak hawak ko pa rin ang panda.
JIA: "Kasalanan mo 'to eh. Kung di dahil sayo, hindi sana nangyari yun."
BEA: "Anong ako?! ikaw nga 'tong lalampa-lampa diyan. Dinamay mo pa ako."
JIA: "Kung hindi ka kasi nangingialam ng may gamit, eh di wala tayong pagtatalunan."
BEA: "Oh kung nakinig ka kasi sa sinabi ko na itapon mo na ito, eh di wala tayong pag-aawayan."
JIA: "Excuse me, gamit ko yan. Kung gusto ko itapon, itatapon ko. Kung ayaw ko, ayaw ko. Kaya anong pakialam mo."
BEA: " May paki-alam ako dahil bigay yan ng ex suitor mo, at baka nakakalimutan mo, girlfriend kita."
JIA: "Eh ano naman ngayon kung galing sa kanya?"
BEA: "Manhid ka talaga. Maghanap kang kausap mo."
Dahil sa inis, umalis ako ng dorm nila bitbit ang pang-gulong panda.
JIA: "Bea."
Tawag niya sa akin ng papalabas na ako. Kaso hindi ko siya nilingon.
JIA: "Beatriz."
Mas nilakasan niya ngayon ang pagtawag sa akin at medyo nainis na rin. Pero tuloy-tuloy akong lumabas. Hanggang sa makarating ako ng kotse.
Pagkapasok sa kotse ibinato ko agad ang panda sa likuran. Badtrip...
Then, pinaandar ko na yung kotse at nag drive na pauwi ng bahay.
JIA POV
Nagtalo kami ni Bea, over sa walang kwentang panda. At first plano ko lang naman siyang pagtripan kaya lang, nung kalaunan hindi ko nagustuhan ang inakto niya.
I feel like pinapasunod niya ako sa kung ano ang gusto niya at siya lang ang masusunod. Ayaw ko namang itapon yung panda kasi sayang naman.
Kaya nauwi sa sagutan at pagtatalo ang lahat, hanggang sa nag walk out siya bitbit ang panda.
Tinawag ko siya ng dalawang beses pero parang wala siyang narinig.
JIA: "Pwes, kung ayaw niya akong kausapin. Eh di wag. Care ko naman sa kanya." ( Sabi ko sa isip ko)
Kaya naupo na lang ako sa sofa.
MICH: "Anong nangyari sa inyo? Pag-alis namin sa gym, ang sweet niyo pa pagdating dito nag-away na kayo."
JIA: "Eh siya kasi eh, gusto itapon yung panda. Tapos umasta na siya masusunod."
LY: "Paano po kasi yung panda galing kay Miguel, tapos na sayo pa. Natural magseselos yun. Knowing na ex suitor mo nga si Miguel."
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.