JIA POV
Kagagaling ko lang ng library, pagdating ko ng dorm lalo lang ako nabwisit sa inabutan ko.
Bakit hindi? Ang walang hiyang hitad nakahawak sa braso ni Bea. Enjoy na enjoy sa pagkakayakap. Kahit kelan malandi talaga ang hitad.
Nandito ngayon sina RiRi, Rondina at ang hitad na si EJ. Bwisit ang sakit na nga ng kay Cole kanina, dumagdag pa si EJ. Ang sakit lang sa mata ng babaeng hitad.
At itong si Bea naman, pinapabayaan lang na nakahawak sa braso niya si EJ. Nag-eenjoy yata or nananadya?!
MICH: "Oh Ji, saan ka galing? Nagtext ako sayo kanina, hindi ka man lang nagrereply."
JIA: "Sa library lang ako nagpunta. Sorry lowbat kasi yung phone ko eh."
Pagdadahilan ko kay Mich.
RIRI: "Hi Ji, kamusta? Sipag ah, nag-aaral pa din kahit walang pasok."
JIA: "Ok naman ate RiRi. Naliligaw ata kayo? Bakit napadalaw kayo dito?"
SISSY: "Actually, hindi kami naliligaw. Meron lang gusto manligaw."
Sabay tingin niya kay EJ at tumawa sila ni RiRi ng malakas.
EJ: "Dumaan lang kami dito para makita si Bea. And I heard single naman na siya kaya pwede na akong manligaw."
Nakahawak parin siya sa braso ni Bea at todo ngiti. Hayop ah, kung umasta akala mo totoong jowa na.
RIRI: "Ang totoo niyan, may pinuntahan lang kaming tatlo, at malapit lang dito kaya dumaan na din kami."
LY: "Sakto lunch time na kaya sumabay na kayong kumain sa amin. Huwag muna kayo aalis ah."
SISSY: "Ay nakakahiya po ate Ly, pero bawal daw po tumanggi sa grasya kaya hindi ko po hihindiin yan."
Nagtawanan ang lahat sa mga hirit ni Rondina. Ang saya na sana eh, kaya lang umeksena ang hitad.
EJ: "So Jia, how true na wala na kayo ni Bea? So pwede na maging kami?"
Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Pero hindi siya nakakatuwa.
Nag-init ang ulo ko lalo, kaya hindi na ako nakapagpigil pa.JIA: "Wala akong pakialam sayo. Kung gusto mo siya, eh di magsama kayong dalawa."
MICH: "Sorry guys, mukhang masama ang timpla ng setter namin. Kanina pa siya ganyan."
RIRI: "Ok lang, si EJ naman kasi nagsimula eh."
Yan ang narinig ko habang umalis ako at umakyat na ng hagdan. Wala na talagang magandang nangyari sa araw na to.
Una si Cole, ngayon naman si EJ, sino ang susunod? Baka gusto na rin sumingit ni Thirdy.
Pagpasok ko ng room, binalibag ko ng malakas ang pinto. Kahit ako nabingi sa pagbalibag ko. Sakit pala sa tenga.
Then, dumiretso ako sa bed at nahiga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
You know that feeling na gustong gusto mong gawin pero hindi pwede. It is not because walang opportunity or bawal but because hindi maari.
Gosh, it is consuming all the patience and energy I have right now. Ayaw ko na mag-isip, nakakapagod na.
Kaya ipinikit ko na lang yung mga mata ko para itulog na lang yung sakit at sama ng loob.
Pero, wala pang isang minuto, naramdaman kong may pumasok sa room at umupo sa tabi ko sa bed. It was Mich, my bestfriend.
MICH: "Ayos ka lang ba Ji? Anong problema? Nag-away ba kayo ni Miguel?"
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
أدب الهواةWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.