PART 2.10 BRILLIANT IDEA

2.8K 51 4
                                    

BEA POV

It has been a week na ang tagong relationship namin ni Jia. And it is getting harder and harder each day. Because we can't find any means or ways to be together or even just talk to each other.

Both of us were also busy with school papers and trainings. Pag may time naman na pwede kami magkita, si Miguel ang umeeksena. Pero syempre, I don't have the right to complain.

Kapag may konting pagkakataon naman, laging andun ang bantay Jia 163. Panira talaga si Mich ng chance naming mag-usap ni Jia.

Kaya for a week, nagkasya na lang kaming dalawa sa konting ngitian at kindatan. Wala eh, yun lang talaga yung chance at pwede naming gawin pansamantala.

I tried once to make a way for both of us to talk. It was the time na tulog na ang lahat.

Flashback....

Kakaakyat ko lang sa room after ng team dinner at nauna na sina Jia, Jho at Mich. Sumabay naman ako sa teambesh.

Pagpasok ko ng room, I saw Mich sa bed niya at nakahiga na. Si Jho naman is fixing her bed para makatulog narin.

I take a look at Jia, nasa working table siya at may ginagawa. Di ko lang sure kung may ginagawa nga talaga or nag acting lang para hintayin ako. Hehehehe

When our eyes meet, I smiled and she did the same. Kaya kinilig ako. Eh Jia Morado yung nag smile back eh, sinong hindi kikiligin. (Ay landi lang ng dalawa. Para paraan ng kalandian)

Then, dumiretso na ako sa CR at nagtoothbrush na. Afterwards, nag ready na ako for bedtime.

After ko lumabas ng cr ay pumunta na rin si Jia sa bed niya at nag-ayos para matulog.

Makalipas ang 30 minutes tulog na tulog na si Mich at Jho. Kaya I take a look sa side ni Jia. She is also looking at my side. We both staring at each other now.

Kaya may bigla akong naisip.... It is a brilliant idea from the master hokage.

Bumangon ako and take a glance sa bed ni Jho and Mich. Walang gumagalaw, tulog na, kaya sinenyasan ko si Jia na lumabas muna ng room. Kaya sumunod naman siya.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at ingat na ingat na hindi gumawa ng ingay baka may magising sa mga teammates namin.

Si Jia ganun din at medyo nakasunod sa akin. Matanglawin din ako kasi baka may gising pa. Then, sumilip ako sa sala kung may tao pa. Good wala na.

Then, sumilip ako sa kitchen. Wala na ring tao. Kaya sinenyasan ko na si Jia na bumaba. Sumunod naman siya.

Kaya andito kami ngayon sa kitchen. Pagkalapit niya sa akin, niyakap ko agad siya ng mahigpit.

BEA: "I miss you."

Ngumiti lang siya at niyakap din ako.  Then, I look at her in the eye and gave her a peck in the lips.

JIA: "Baka may makakita sa atin dito."

May pag-aalala niyang sabi habang nakayakap sa bewang ko.

BEA: "Wala yan. Trust me. Tulog na ang mga yun."

JIA: "Ano naman pumasok sa utak mo at naisip mo to."

BEA: "Ano ka ba babe. I'm Bea De Leon. I find ways."

JIA: "Oo na lang babe."

BEA: "So, dahil ako ang nakaisip ng brilliant idea na to, nasaan na po ang premyo Jia Morado?"

Then, I showed her my cutest smile. Something she could not resist.

JIA: "Pwedeng utang na lang muna?"

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon