32 - UNCONSCIOUS

3.2K 63 10
                                    

ALYSSA POV

We are here sa dorm, nagkukulitan ang team which is lagi naman. Iniwan muna namin si Jia with Isabel kasi we feel na kailangan na nila mag-usap.

Halos mag-iisang linggo nang hindi nagpapansinan ang dalawa. Wala pang 30 minutes ng iwan namin sila sa gym ay biglang dumating si Jia na umiiyak. Kaya nagulat kaming lahat.

LY: "Ji, anong nangyari sayo?"

Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

JIA: "Wala na kami. I broke up with her."

What? Sabay sabay naming sabi ng teammates ko. Medyo napalakas ang pagkasabi naming lahat.

LY: "Sorry nagulat lang kami. Why ba? Ano nangyari?"

Mahinahon kung tanong sa kanya kasi humihikbi pa rin siya.

Then, pinunasan niya yung luha niya at kinuwento ang buong pangyayari. Nakikinig lang ang buong team sa kanya.

DEN: "Ano ka ba Jia, nadala lang kayo ng emosyon at galit niyo."

ELLA: "Oo nga naman Ji, ikaw pa hindi ka kayang tiisin ni Isabel. Masyado kang mahal nun."

JIA: "Paano naman kasi mga ate, nasasakal ako sa ginagawa niya. Gusto niya layuan ko si Miguel, dahil nagseselos siya. Kaibigan ko lang si Miguel."

LY: "Pinag-uusapan niyo ba yang tungkol Kay Miguel?"

JIA: "Opo, kaya lang lagi siya nagagalit agad at mag walk out. Ni hindi man lang niya pinakinggan muna ang sasabihin ko."

ELLA: "Nag-usap ba kayo tungkol diyan nung hindi pareho mainit ang ulo niyo?"

JIA: "Never pa. Kasi siya eh. Nagagalit agad."

DEN: "Hindi niyo talaga maayos yan kung ganun nga. Paano pagbeastmode siya sumabay ka din. Kaya magtatalo talaga kayo."

MICH: "Ikaw naman kasi pabigla bigla ka."

ANA: "Ano ba Mich, kita mong umiiiyak na nga pinapagalitan mo pa?"

MICH: "I'm just trying to make a point."

LY: "Hayaan mo, bukas na bukas pag pareho na malamig ang ulo niyo mag-usap kayo."

ELLA: "And huwag agad high blood, para happy happy kayo."

Kaya siniko ko si Ella. Ang daming alam na kalokohan eh. Kaya lang binilatan lang ako. Isip bata talaga.

DEN: "Anong plano mo ngayon? Mukhang nasaktan din yung si Isabel sa nangyari."

JIA: "Di ko po alam. Ngayon ko lang narealize na mali yung ginawa ko na nakipagbreak agad. Padalos-dalos kasi ako eh."

PONGGAY: "Nako patay tayo diyan ate Jia, baka maghanap ng iba yun."

JHO: "Tingin ko nga rin, ipagpapalit ka sa iba. Yung hindi beastmode lagi."

ELLA: "Paano na yun Jia, pag nakahanap na ng iba?"

Sinakyan naman ng ibang mga kumag ang trip ng tatlo.

LY: "Tumigil nga kayo. Kung hindi kayo ang maghahanap ng matutulugan niyo ngayong gabi."

Pagbabanta ko sa kanila. Si Jia tahimik lang at humihikbi pa rin. Mahirap kasing basahin si Jia lalo pag emosyonal and beastmode siya.

Then, nagpaalam siya na punta lang siya sa room. Sinundan naman siya ni Jho at Mich. Kaya hinayaan na lang muna namin.

JIA POV

After maglabas ng nararamdaman ko sa teammates ko, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Di gaya kanina na sobrang bigat.

Nag-init kasi bigla ang ulo ko ng sinabi niyang "You wanna break up with me?"

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon