PART 2.42 PASSWORD

2.6K 50 7
                                    

This part of the story is dedicated to the owner of the account
Beh1208...
Thank you for the support, concern and all the encouragement friend...
_________________________________________

BEA POV

It has been three months mula nang mapanalunan namin ang championship sa UAAP.

It has been three months na rin na naging open na for public ang relasyon namin ni Jia.

It has been three months narin na nangungulit ang lahat about the details of our relationship.

And it has been three months na rin na iniiwasan naming sagutin.

For me, sapat nang malaman nila na may relasyon kami ni Jia, but to share the details, we just want to keep it to ourselves.

And after admitting our relationship publicly, ay madalas na rin kami nakikita na lumalabas ni Jia together.

Pero kahit alam na nila na may relasyon kami, hindi pa rin maiiwasan na may mga tumitingin pa rin sa akin at magpapacute.

Kaya yun ang madalas naming pagtalunan ni Jia. Pero, at the end of the day ay magkaka-ayos kami. I did something that would please her and a sign of my peace offering.

Yung iba naman, magpapadala ng letter sa akin or di kaya mga gifts. Minsan siya pa ang nakakatanggap ng mga yun.

Gaya ngayon, may package na naman na dumating para sa akin.

ELLA: "Nako Bey, napapadalas na yang nagpapadala nang package sayo ah."

MICH: "Pag makita ni Jia yan, may sapak ka na naman."

Kaya napakamot na lang ako sa batok. Hindi ko naman kasalanan kung may nagpapadala sa akin eh. Hindi ko naman pwede sabihin na huwag na magpadala. Kasi nga magseselos na naman si Jia.

PONGGAY: "Lagot ka na naman po ate Bey, sasapakin ka po nun at outside the room ka naman kay ate Ji."

ANA: "Tapos hindi ka na naman kakausapin at papansinin."

GIZELLE: "Masaklap pa niyan, ay magiging beastmode na naman si Jia. Hahaha."

ELLA: "Nako Bey, baka tuluyan ka nang palabasin nang dorm ni Jia."

BEA: "Grabe kayo, napakasupportive niyo talaga."

Iniabot sa akin ni Deanna yung package. Siya kasi ang tumingin sa pinto nung may kumatok.

Sakto namang pag-abot ni Deanna nang package ay napansin kung bumababa si Jia sa hagdan.

Kaya agad-agad ko itong itinago sa likod ko at hawak nang isang kamay. Hoping na sana hindi nakita ni Jia para iwas gulo.

Bago ko kasi maitago sa likod, nakita ko na may nakasulat. For sure, magagalit talaga si Jia kapag mabasa niya o malaman kung kanino nanggaling ang package.

JIA POV

Kagigising ko lang, at ako na lang ang naiwan sa room. Kaya pumunta na ako sa CR para maghilamos at mag toothbrush.

Then, I decided to go down sa sala. While I'm on my way down the stairs, naririnig ko na ang kaguluhan ng mga ka teammates ko.

Nung malapit na ako sa baba, napansin kong may inabot si Deanna kay Bea na agad di namang itinago ni Bea sa likod niya.

Napansin na niya kasi ang presensiya ko kaya itinago niya bigla. Then, humarap sa akin at ngumiti, pero ang ngiti niya medyo pilit. Yung ngiti na, alam mong may ginawang kalokohan.

"Kanino na naman kaya galing yung package? Baka sa mga nakalandian na naman niya?" (bulong nang isip ko)

BEA: "Good morning babe."

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon