BEA POV
PAPU: "Hmmm. Kung tapos na kayong dalawa diyan sa ginagawa niyo sumunod kayo sa sala."
Yun ang sinabi ng Papu ni Jia bago silang tatlo umalis at naiwan kaming dalawa sa room.
Then, biglang bumitaw sa pagkakayakap sa leeg ko si Jia. Dun pa lang ata nag sink-in sa kanya ang nangyari.
Nahuli kami ng parents at ng lola niya na naghahalikan... Lagot kami nitong dalawa mamaya.
Then, lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I look at her in the eyes and smiled at her.
JIA: "Huwag mo akong titigan nang ganyan. Nahuli na nga tayong dalawa paglulumandi pa yang inaatupag mo."
Yun lang nagsusungit na.
BEA: "Hindi mo ba narinig sinabi nang Papu mo? Ang sabi niya kapag tapos na daw tayo sa ginagawa natin susunod tayo sa sala. Eh babe, hindi pa naman tayo tapos sa ginagawa natin eh."
JIA: "Ewan ko sayo, sarap mo kausap. Lumabas na nga tayo, gusto mo dagdagan atraso mo?"
Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya kasi tinatanggal niya.
BEA: "Di ko kasalanan na hindi sila marunong kumatok sa pinto. Eh kung kumatok ba naman sila bago pumasok eh di sana wala silang makitang ganun."
JIA: "Oh sige, ikaw mag sabi niyan kay Papu mamaya ah."
Pagtataray ni Jia, beastmode na naman siya. Malamang nabitin sa kiss. Mahalikan nga ulit.
Bago pa ako kumilos para lumapit sa kanya at halikan siya ay biglang sumulpot si Jobok sa pintuan.
JOBOK: "Bakit ang tagal niyo daw po sabi ni Papu? Bilisan niyo po at nasa sala na sila."
BEA: "Opo, ito na nga po bibilisan na nga po oh."
Naglakad ako palapit kay Jia sa may pinto. Pagka-alis ni Jobok, wala na akong sinayang na segundo. Niyakap ko si babe at hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya.
Pero hindi naman matagal ang paghalik ko. Hindi na nga siya nakapagrespond sa bilis eh. Sabi kasi bilisan daw eh.
Pero si Jia napatunganga lang at naka-awang pa ang labi. Kaya hinawakan ko siya sa baba para itikom ang bibig niya.
BEA: "Alam kong nabitin ka sa paghalik ko. Sisihin mo si Papu, sabi niya kasi bilisan eh."
Pang-aasar ko sa kanya. Kaya hinampas niya ako sa balikat.
JIA: "Bwisit ka talaga. Ayusin mo mamaya sa harap nila Papu kung ayaw mong mapabilis din ang kalagayan natin pareho."
BEA: "Huwag ka mag-alala, gagalingan ko."
JIA: "Mukha mo. Pag ako kaharap mo 'gagalingan ko' pero pag andiyan na si Papu 'babe tulungan mo ako'."
Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at kiniss sa cheek.
BEA: "Ito naman, joke lang. Halika na nga lumabas na tayo."
Kaya hinatak ko na siya palabas ng room. Lumabas kami ng room na magkaholding hands.
JIA POV
Nahuli kami ni Lola at ng parents ko naghahalikan. Lagot ako nito. Kasi naman nakalimutan kong i-lock ang pinto nung pumasok ako.
Pagka-alis nila si Beatriz hindi pa nadala kasi nagsisimula pang lumandi. Kaya hindi kami nakasunod agad sa sala.
Tuloy pumasok pa si Jobok para lang sabihan kami nang bilisan. Pero hindi ko inasahan na paglabas ni Jobok ay hahalikan ako ni Bea.
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.