PART 2.9 SO BAD

2.7K 54 3
                                    

JIA POV

After mag walk out ni Bea ay nagulat ang lahat pero wala naman may gustong magsalita. Kaya yung hindi pa tapos kumain tinuloy na lang ang pagkain nila.

Yung teambesh naman nagpaalam dahil pupunta pa daw ng library at may hahanapin lang. Yung iba naman maglalakad-lakad daw.

Kaya naiwan na lang kami ni Miguel dalawa sa cafeteria. Then, nagyaya siya na lumabas na lang daw kami ng ateneo at mamasyal.

MIGUEL: "Ji, labas tayo. Wala ka namang pasok today right?"

JIA: "Wala naman. Sige, labas na lang tayo."

Sabi ko sa kanya ng walang kabuhay buhay. Ayaw ko sana kasing sumama. I just felt so bad because I am worried about Bea. Nasaan kaya siya pumunta. Baka kung napano na yun.

Problema nga lang kapag humindi ako baka magtaka si Miguel. Kapag ka inayawan ko siya magtatanong yun kung bakit at wala naman akong ibang idadahilan. So I don't have other choice but to say YES.

When Bea and I thought about the situation regarding our relationship I never realized it was this hard. Alam kung mahirap pero hindi ako nainform na ganito kahirap yung feeling. It is easier said than done.

MIGUEL: "Let's go."

Then, he holds my hand and leads me to his car. Pumunta lang kami sa UPTC, naglibot-libot, nagkwentuhan at kumain. Umuwi then kami afterwards.

Hinatid niya ako sa dorm. Bago ako bumaba ng car, bigla siya nagsalita.

MIGUEL: "May problem ba Ji?"

Nagtaka ako sa tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

JIA: "Wala naman. Why did you ask?"

MIGUEL: "You seem so cold kasi eh, mula pa kanina pag-alis natin sa cafeteria. Parang something is bothering you."

"Not something but someone." (Sabi ng utak ko.)

I felt so guilty. I acted so differently na pala mula pa kanina. Hindi ko masyadong napansin. Paano, mula sa cafeteria hanggang ngayon, I never thought of Miguel. It was Bea that I was thinking all the time.

JIA: "I'm sorry Migs. I was just thinking about my projects and research."

Pagsisinungaling ko sa kanya.

MIGUEL: "Bakit hindi mo sinabi agad. Eh di sana hindi na kita niyayang lumabas. Para nakapag focus ka na lang sa mga dapat mong gawin."

JIA: "Ok lang. Bawi na lang ako next time."

MIGUEL: "No need naman to apologize Ji. I understand pero next time tell me kung hindi pwede. Ok."

Then, I kiss his cheek bago ako bumaba. At umalis na din siya.

Pumasok na ako sa dorm. Na andun na silang lahat sa sala except kay Bea. Present na rin sina Jho, Pongs and Mich.

Nagkaroon kasi ng biglaang practice. Nagtext kasi si ate Ly kanina habang kumakain kami ni Miguel. Minsan talaga iba ang trip ni Coach Tai, lagi na lang siyang may surprise.

When i take a look on my watch, it is 4:00 pm in the afternoon. The practice will start at 5:00 pm. I still have 30 minutes para ayusin ang gamit ko for training.

Maaga kasi kami lagi pumupunta sa training, mahirap na malate. Mas gugustuhin mo pang maging maaga ng one hour kaysa harapin ang parusa ni Coach Tai dahil lang na late ka.

MICH: "Ji, buti dumating ka na. Kamusta naman ang lakad niyo ni Miguel?"

JIA: "Ok lang naman."

KIM: "Bakit parang hindi ka naman ata masaya sa date niyo ni Miguel?"

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon