BEA POV
Kagigising ko lang. Mas maganda na yung pakiramdam ko pero medyo nakakahilo lang pag tumayo.
Nakita ko sa bed si Jia at natutulog din. Wala sa working table si Mich.
"Bakit natutulog sa bed si Jia? May training kami ngayon ah?"
Kaya tumayo ako sa bed at naglakad papunta sa bed ni Jia. Medyo nahihilo pa ako, kaya pinilit kong makaabot sa bed niya.
Pagkaupo ko sa gilid ng bed, i stare at her face. Ang sarap ng tulog niya.
"Halikan ko kaya ulit to."
Then, I tap her shoulder trying to wake her up. Unti-unti niya iminulat ang mata niya at nagulat ng makita ako.
BEA: "Its already 5:30 pm. Di ba may training?"
Nabubulol kong sabi sa kanya. It was the first time after four months na kami magkausap ulit.
JIA: "Oh. Napostponed yung training. May emergency meeting ang coaching staff."
Medyo inaantok niyang paliwanag. Kinukusot pa niya yung mga mata niya.
JIA: "Bakit bumangon ka na? Hindi ka na ba nahihilo?"
Pag-aalaa niyang tanong. Kaya napilitan siyang bumangon.
BEA: "Nahihilo pa. Nakita kasi kita. Akala ko may training. Sorry nagising pa tuloy kita."
Then, tumayo na ako pero bigla akong napaupo kasi nahilo ako.
JIA: "Kaya mo pa bang tumayo at maglakad?"
Hindi ako sumagot kasi biglang kumirot yung ulo ko.
JIA: "Diyan ka na muna humiga sa bed ko."
Kaya inalalayan niya akong humiga sa bed niya. Hindi na ako umayaw pa kasi lalong kumirot yung ulo ko.
JIA: "Diyan ka lang at huwag ka munang tatayo. Kukuha lang ako ng pagkain sa baba para makakain ka na at makainom ulit ng gamot."
After niya humiga sa bed ko, bumaba na ako para kumuha ng pagkain at gamot ni Bea.
Di ko alam bakit ko siya inaasikaso. Ni hindi nga kami nag-uusap in four months. Kaya nga siguro nabubulol siya kanina na kausapin ako. Baka na awkward.
Pagbaba ko andun ang teambesh sa kitchen. Inaayos na pala nila ang pagkain at gamot ni Bea.
ELLA: "Sakto nandiyan na si doc. Musta na ang pasyente mo doc? Nabigyan na ba ng kisspirin kanina?"
Si ate Ella talaga kahit kelan walang patawad. Kaya hindi lumalaki eh.
JIA: "Dami niyo pong alam ate Ells."
LY: "Oh Ji, ikaw na mag-akyat niyan kay Bea. Ikaw na rin magbantay sa kanya. Since wala si Jho at umuwi si Mich kanina."
ELLA: "Ang saya-saya walang bantay Jia 163. Pwede na kayo mag moment ulit Ji."
At nagtawanan ang teambesh. Minsan talaga ang utak ng mga to pare-pareho.
Kaya bago pa madagdagan ang mga sasabihin nila, kinuha ko na yung food at medicine. Tapos umakyat na.
Pagdating ko sa taas, minamasahe ni Bea ang noo niya. Sumasakit na naman siguro. Kaya kinuha ko yung chair tinabi sa bed at nilagay muna doon ang pagkain.
Then, hinawakan ko yung kamay niya. Shocks may kuryenteng dumalay. Pero dinedma ko muna.
Minasahe ko yung noo niya. Hinayaan lang niya ako.
JIA: "Kumikirot pa rin ang noo mo?"
BEA: "Yeah."
Yun lang ang sinabi niya habang nakapikit ang mata. Nakahiga siya, nakaupo ako sa gilid and facing her.
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.