BEA POV
Nagising ako at naramdaman kong may kamay na nakapulupot sa aking bewang. Pagtingin ko sa side, it was Jia. Ang sarap ng tulog niya sa tabi ko.
Tiningnan ko ang oras, it is almost 6:00 pm. Medyo napahaba ang tulog ko. Sobrang bigat lang kasi ng pakiramdam ko kanina.
Then, i look at Jia again, nakatagilid siya at paharap sa akin habang natutulog. I take a look at her face, it is very peaceful. Himbing na himbing ang pagtulog niya.
Seeing her beside me, brings comfort to my aching heart. It makes me feel better knowing that she is just here and never leave me.
And looking at her, biglang nag flashback ang lahat ng mga nangyari mula pa pagdating namin dito sa province nila. Until the reasons that brought me here inside this room.
I look at the ceiling, tried to recall and analyzed everything. Kanina kasi ang gulo pa talaga nang utak ko at ang sakit din nang ulo ko. Kaya lahat ng mga sinabi nila, wala ako halos maunawaan o maintindihan kahit isa.
As I recall everything one by one, saka lang naging malinaw sa akin ang lahat ng mga pangyayari at sitwasyon.
"Wala naman pa lang totoong kasalan. It was all lokohan lang nang pamilya nila. I just reacted without confirming it first. Kaya nasaktan pa tuloy ang kamay ko sa napakawalang kwentang bagay."
Ngayon ko na nararamdaman yung sakit at hapdi nang aking kamay. Paano nawala na yung adrenaline rush. Kaya ngayon, ramdam ko na ang bawat pagkirot.
"Ayan kasi Beatriz, ang tanga lang. Di ka pa rin natuto. Sinabi kasing huwag kang bigla na lang nag wa-walkout eh. Hayan tuloy ang napala mo, kaya huwag kang magreklamo." (bulong ng isip ko)
Then, I take a look again at Jia who is comfortably sleeping beside me and hugging my waist.
"Tingnan mo, nag-alala tuloy yung babe mo. Ang ganda pa naman niya para lang masaktan at mag-alala."
Then, patagilid akong humiga. I trace her lips with my pointing finger. She must have really felt bad while seeing my reaction and for giving her a cold treatment kanina.
BEA: "Why you always have this effect on me? Kahit anong galit at sama ng loob, kahit gaano kasakit at kahit ilang beses akong masaktan, I would always go back to you."
Then, I kissed her forehead.
BEA: "Kahit ano ata ang gawin mo, hindi ka na mabubura sa puso ko. Nakaukit ka na eh. Kaya siguro sa kabila ng lahat, mahal pa rin kita."
I was about to kiss her in the lips ng biglang dumilat ang mga mata niya.
Kaya bago pa lumapat ang labi ko sa labi niya ay iniharang niya ang kamay niya.
Ngumiti siya sa akin at itinulak ang noo ko gamit ang daliri niya.
JIA: "Mandurugas ka. Muntik mo pa akong isahan. Kagigising pa lang lumalandi ka agad."
BEA: "Bakit kasi nagising ka agad? Muntik na eh. Konti na lang eh."
JIA: "Hokage ka talaga. Grabe ka."
BEA: "Namiss lang kita eh. Pakiss ako."
JIA: "Jusko Beatriz, kung makahingi ka ng kiss akala mo nanghihingi ka lang ng paper."
BEA: "Dami sinasabi, oo o hindi lang naman ang sagot."
JIA: "Kamusta na ang kamay mo? Sumasakit pa rin ba?"
BEA: "Ako ang unang nagtanong, umiiwas ka eh."
JIA: "Akin na, patingin ng kamay mo."
Pilit inaabot ang kamay ko para masuri niya. Kaya inilayo ko ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.
