PART 2.28 FAN

3.1K 48 23
                                    

JIA POV

It has been a week na nang naging official yung relasyon namin ni Bea. But only those who were closest to us knows about it.

Only our families and friend knew about the Tagaytay escapades.

I am here sa may sala at kasama ko ngayon sila Deanna, Jamie, Kim at ang teambesh. As usual kulitang walang humpay na naman with ate Ella.

ELLA: "Wong kamusta na ang puso mo?"

WONG: "Dito pa rin po ate Ella. Tumitibok-tibok pa rin naman po."

ELLA: "Ah tumitibok-tibok pa rin. Tumitibok pa rin para kay bestfriend Pongs!"

Kaya nagtawanan kami sa sinabi ni ate Ella.

WONG: "Grabe ka po sa akin ate Ells. Ang hard mo."

ELLA: "Sa susunod kasi huwag kang pagong. Ayan tuloy hanggang tingin ka na lang."

AMY: "Ouch. You are pretty hard on her besh."

ELLA: "Eh Wong pagong eh kaya ayan. Maghanap ka na lang ng iba."

DEN: "Di niya gagawin yun, mahal niya eh."

Mula pagbaba ko kanina puro si Deanna ang pinagkakatuwaan ng teambesh. Mga loko talaga pinagkaisahan ang kawawang bata.

Bago ako bumaba si Bea iniwan ko sa taas na nagtoothbrush. Nauna kasi ako gumising kaya ginising ko siya at nauna ng bumaba.

Paano pag natapos yun magsipilyo at makita ako sa bed, maglalandi lang yun nang maglalandi sa akin. Kaya iniwan ko siya dun at nauna ng bumaba sa sala.

ELLA: "Oy Ji, asan ang mahal na jowa mo? Himala di kayo sabay bumaba, LQ kayo?"

JIA: "Andun po sa taas nagtoothbrush. Gusto mo po sunduin mo eh."

Kaya nagtawanan ang lahat sa sala.

ELLA: "Aba at sumasagot na nang ganyan ang panda."

Bago pa tuluyang humirit si ate Ella ay pababa na ng hagdan si Bea. At ang mukha ay nalugi.

As expected, naka pout yung lips niya at salubong ang kilay habang pababa siya nang hagdan. Pero deadma ko na lang kunyari di ko pansin.

Then, dumiretso siya sa upuan ko at tumabi sa akin.  Sabay taas nang isang kamay niya at pinitik ang noo ko. Hindi ko napaghandaan yun.

JIA: "Aray. Bakit ka namimitik sa noo?"

Reklamo ko sa kanya, pero parang wala siyang narinig.

BEA: "Bakit mo ako iniwan sa taas?"

Iritang sabi niya sa akin. Parang bata na inagawan ng lollipop.

JIA: "Ang lapit lang po nang kuwarto sa sala. Hindi ka maliligaw. Anong pinagmamaktol mo?"

Then, pinitik na naman niya ulit ang noo ko.

BEA: "Eh kasi nga iniwan mo ako sa taas. Sana man lang naghintay ka."

JIA: "Kailangan talaga namimitik ka pa sa noo."

Angil ko sa kanya. Ang sakit ng pitik niya eh. Kaya hinimas ko yung noo ko.

BEA: "Nang-iiwan ka kasi. Hindi ka man lang nakapaghintay."

Sabay hawak sa kamay ko at tiningnan ang noo ko na pinitik niya.

BEA: "Patingin."

JIA: "Ay ewan ko sayo. Lumayo ka nga sakin."

BEA: "Ayoko nga. Dito lang ako sa tabi mo."

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon