BEA POV
Nag-aagahan kami sa dorm ng may biglang kumatok. Si ate Ella ang tumayo kahit na ayaw niya, kasi siya inutusan ni ate Alyssa. Wala siyang choice.
Pagbalik niya sa kitchen, ay may dala na siyang bulaklak at may kasama pang nakakalukong ngiti.
Lagot na, pag may ganyang paganap na ngiti si donya kabahan ka na kasi may magiging kawawang biktima sa araw na ito.
LY: "Para kanino yang hawak mong bulaklak besh at kanino naman galing?"
DEN: "Ganda ng flowers, in fairness."
Then, lumapit sa akin si ate Ella at inabot ang hawak niyang bouquet of flowers.
ELLA: "Wow Bea, may suitor ka pala hindi ka man lang nagsasabi."
Kaya napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kasi wala naman akong suitor na pwedeng magbigay ng bulaklak.
DEN: "Oy, sino yang suitor na yan? Share naman diyan."
At gumatong pa talaga itong si ate Den. Magbesh talaga sila.
BEA: "Ano naman po ang i-share ko ate Den? Ang aga-aga po ate Ella ah, pinagtritripan niyo po ako. Wala po akong suitor. Para kanino po ba kasi to?"
Pagtataka kong tanong sa kanya. I was actually thinking para ito sa isa sa mga teammates namin at pinagtritripan lang talaga ako ni ate Ella.
ELLA: "Seryoso ako. Isabel Beatriz De Leon ang pangalan mo di ba? Kaya para talaga sayo yang bulaklak. Ay, ayaw maniwala. Bakit hindi mo na lang basahin, may note yata diyan sa loob."
Then, biglang kinuha ni ate Kiwi yung flowers na hawak ko at kinuha yung note sa loob at binasa ng malakas.
AMY: "To Bea... Just send you something to brighten up your day... From your admirer Cole..."
Lahat sila nakatingin sa akin. Yung teambesh kinikilig pa kunyari, pero nang-aasar at nang-iinis lang naman. Pero si Jia? Lagot na, deathglare si ateng. Galit ata, di ko alam kung bakit.
DEN: "My gosh Bea, is that Cole Micek of the Mens Basketball team?"
LY: "Ang haba ng hair Beatriz, ang agang magpakilig ng manliligaw mo."
AMY: "He is handsome pa naman. Is he making ligaw with you na ba?"
ELLA: "ColeBea na ba this? Magkakilala kayo ni Cole Micek?"
Hindi ako nainform na merong live talkshow ngayon sa ATENEO. Ang teambesh ang host at ako ang kawawang guest.
BEA: "Kaklase ko lang po yan sa isang subject."
Maikli kong sabi sa kanila. Maka issue kasi tong teambesh wagas eh.
DEN: "So, he makes ligaw nga?"
Grabe lang, makulit talaga sila. They will not stop unless they will be satisfied with the answer. Nagsanib pwersa ang teambesh.
BEA: "Ano, ewan ko. Ngayon lang naman siya nagpadala ng flowers eh."
ELLA: "Kunyari ka pa. Umamin na kasi. Nahiya ka pa eh."
BEA: "Wala naman po ako aaminin ate Ella. Dahil hindi naman po talaga eh. Minsan nagpapalipad hangin lang siya sa room. It was the first time na nagpadala siya."
LY: "So may gusto nga siya sayo?"
BEA: "Yun ang sabi niya. Pero hindi ko naman pinansin yung sinasabi niya malay ko ba kung nanloloko lang yun."
ELLA: "May ganyan pa lang ganap noon. Tapos ngayon ay tuluyan ng may ganap. May flowers na nga oh, for sure ang kasunod niyan dadalaw dito, tapos date na. ColeBea is going real."
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.