PART 2.18 TRUTH

2.7K 56 6
                                    

JIA POV

Pababa kami ng hagdan ni Bea na magkaholding hands. Katatapos lang namin mag-usap regarding sa sitwasyon na pinasok naming dalawa.

I am looking intently sa mga teammates namin na nagkakagulo sa ibaba at nagkakasiyahan. Paano may bago na naman silang napagkatuwaan.

Samantalang ako yung nerbiyos ko wala ng mapaglagyan. It is because nahihiya ako sa mga nangyari. Hindi ko inaasahan na sa ganung pangyayari kagabi nila malalaman ang relasyon namin ni Bea.

Kaya lang ito na yun eh, nangyari na at kailangan na naming harapin at panindigan kung anumang relasyon meron kami. Kailangan naming sabihin yung totoo.

Nang tuluyan kaming nakababa sa hagdan, dumiretso na kami sa sala kung nasaan ang lahat. Nakaupo na kaming lahat ngayon sa may sala. Lahat ng mata ay nakatutok sa aming dalawa ni Bea.

I think it is high time to tell them the whole truth. It is the right moment for us to reveal to them about our relationship. They deserved to know the truth.

Yumuko muna ako at huminga ng malalim para humugot ng lahat ng lakas ng loob na kakailanganin ko. Iniangat ko yung ulo ko para tingnan na ang mga teammates namin.

Lahat sila nakatingin lang sa amin at naghihintay sa sasasabihin ko at ni Bea. Walang kumikibo sa kanila at pangunahan kami or ang pag-uusap.

So I take a look at Bea and she is also staring at me. She just nodded and smiled at me. Then, she hold my hand and intertwined our fingers together.

BEA: "Ano kasi, there is something that we want to tell you that you should know. Ahmm..."

JIA: "Kami na po ni Bea."

Hindi ko na pinatapos pa si Bea sa kanyang mga sasabihin. Inunahan ko na siya at ako na mismo ang nagsabi sa kanila.

I just want to make a difference right now sa relasyon namin ni Bea. Paano lagi na lang siya ang nagtatanggol at nagtatakip sa lahat.

Siya na lang lagi kasi ang nagsasakripisyo at nagpaparamdam kung gaano niya ako kamahal.

Dapat lang na ako naman ang magparamdam and prove her that I love and care for her also. That she is special to me and I am willing to take the risk for our relationship.

Yun lang, nagulat silang lahat. Dahil hindi nila ito inaasahan. Ang pagkakaalam nila ay matagal na kaming wala ni Bea. Na hanggang ngayon ay hindi kami nag-uusap or kahit nagpapansinan man lang.

LY: "Anong ibig mong sabihin Jia? Anong kayo na?"

JIA: "May relasyon po kami ni Bea. Nagkabalikan na po kami."

DEN: "Kelan pa? Ni hindi man lang namin napansin or namalayan."

JIA: "Few weeks ago pa. Since the time na nagkasakit po sa Bea at may lagnat."

BEA: "When i got sick we were both given the time to talk to each other. We settled what happened few months ago that caused our break up."

JIA: "She said sorry and she said she still loves me. And I still do love her. Kahit alam kong mali."

MICH: "Mali talaga Ji. Sinaktan ka niya, tapos ngayon kayo ulit! At paano si Miguel? Ano yun pinaglaruan mo lang yung tao?"

Galit na pagpapaliwanag ni Mich. She was my bestfriend at siya ang andun. When I was broken.

BEA: "Hindi naman ginusto ni Jia na ganito magiging kalabasan ng lahat. Hindi niya rin ginustong pasukin ang sitwasyon na to."

Pagtatanggol ni Bea. Though medyo inis na siya sa sinabi ni Mich.

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon