BEA POV
Kasama ako ngayon ng family ni Jia pauwi sa province nila sa Nueva Ecija may family gathering kasi sila ngayon.
Pinayagan naman ako nina Mama at Papa since kasama ko naman daw ang family ni Jia. Pumayag din ang parents niya na sumama ako.
Sa isang van lang kami nakasakay. Nasa likod kaming dalawa ni Jia nakaupo at magkatabi.
Si Jobok at Jess sa harap namin at sa harap naman nila yung parents nila. May family driver din sila para hindi mapagod sa byahe.
JOBOK: "Ate gandang gwapo buti na lang po sumama po kayo?"
BEA: "Why?"
JOBOK: "Kasi kung hindi po kayo sumama, magtiyatiyaga po kami sa kasungitan ni ate Ji."
JIA: "Jobok ah. Nananahimik ako dito."
JESS: "Kapag bumabyahe po kami dalawang bagay lang po gagawin niyan. It's either matulog po siya or di kaya magsusungit po siya. Hahaha."
At tumawa ang mga kapatid niya at ang parents niya. Paborito talaga nilang dalawa asarin si Jia. Paano kasi patola na pikon pa.
JOBOK: "Paano niyo po siya napagtiyagaan?"
BEA: "Nasanay na lang. Wala akong ibang choice eh."
Then bigla niya akong kinurot sa tagiliran.
BEA: "Aray. Ang sakit babe ah."
JIA: "Nang-aasar ka eh."
BEA: "Kailangan talaga nananakit ka? Masakit ah."
JIA: "Kasalanan mo yan. Makatulog na nga lang."
Then, bigla niya inihiga ang ulo niya sa balikat ko at ipinikit ang mga mata niya. Inakbayan ko siya at idinikit sa leeg ko ang ulo niya. Para mas makasandal siya ng maayos.
I kiss the top of her head and closed my eyes to sleep. Ipinulupot niya ang kanang kamay sa bewang ko. Hindi na rin naman na nangulit pa si Jobok. Kaya natulog na kami.
After long hours of travel nakarating na kami sa bahay nila sa Nueva Ecija. Malaki ang bahay nila at nasa labas na nag-aabang ang mga kamag-anak nila.
Mukhang sila na lang ata ang hinihintay. Unang sumalubong sa amin ang Lola niya. Nagmano silang lahat dito at syempre kasama na ako dun.
LOLA: "May bago ata kayong kasapi sa pamilya niyo? Sino ba itong kay gandang dalaga?"
COUSIN: "Lola isa po yan sa kasamahan ni ate Jia sa Ateneo Lady Eagles. Siya po si Bea de Leon."
LOLA: "Ay oo nga natatandaan ko na. Welcome sa aming tahanan hija. Kay gandang bata neto. Hala sige pasok na kayo sa loob."
Kaya sumunod naman kami. Pero ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro bakit ako napasama sa gathering na to. Pero hinayaan ko na lang.
Pagkapasok sa loob, nakalatag na ang mga pagkain at nandun din ang iba pang mga relatives nila. As usual batian dito, beso dun. Kwento dito, tawanan dun.
Kanya kanyang pwesto ang lahat at nagkwentuhan. Kanya kayang kuha ng pagkain at grupo.
Yung mga magulang ay magkakasamang nagkwentuhan. Samantalang kami nina Jia at mga kapatid niya ay kausap ang mga pinsan nila.
Inabutan ako ni Jia ng pagkain at inumin.
JIA: "Ok ka lang ba? Sabihin mo lang kung my kailangan ka."
Then tumabi siya sa akin. Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na binigay niya. Sinusubuan ko din siya kasi hindi na man siya kumuha ng sarili niyang pagkain. Sa baso ko narin siya nakikiinom.
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.