JIA POV
Tomorrow is another day. Yan ang iniisip ko bago ako matulog.
After akong ihatid ni Bea sa dorm pagkatapos naming mag starbucks, nagbihis lang ako to prepare for my afternoon class.
As usual, nakakapagod maupo sa classroom hanggang matapos ang klase, lalo't pagboring ang klase.
Then after class, we have training, pamatay na training with Coach Tai. Pagkatapos ng training, dinner with my teammates and kanya-kanyang akyat na sa room para magpahinga.
Bago matulog ang dami kong iniisip. The more I think, lalo lang nadadagdagan ang mga tanong. Pero wala naman talagang direct na sagot. Bumabalik pa din ako sa realidad na, Bea is the only solution.
Sabi nila everything happens for a reason, pero yung gulo na nangyayari ngayon sa buhay ko na kagagawan ni Bea, hindi ko alam and hindi ko maunawaan kung ano ang reason at purpose.
Idagdag mo pa yung nararamdaman ko for Bea. Naguguluhan ako, sa arrangement namin at mga bagong feelings na nadidiscover ko everytime we are together.
So I posted na lang sa IG ko.
#juliacmorado Tomorrow is another day.😴Then natulog na ako hoping that the next day will be much better. Hoping na sana pag gising ko everything falls into its right place.
The next day (Saturday)...
Katatapos lang naming mag morning training ng team. After that we headed back to the dormitory.
Katatapos ko lang din maligo, at nagbihis na ako and bumaba na rin to join my teammates.
While going down, I was thinking kung ano gagawin namin ngayon since wala naman kaming klase and hapon pa ulit ang training.
Nung pababa pa lang ako, ingay na agad ng mga teammates ko ang sumalubong sakin. Wala silang kapaguran, basta may pagkakataon sila na makapambully, sugod agad. Para silang bubuyog na pag nakakita ng tao susugod silang lahat.
At ang kawawang biktima nila ngayong araw ay ang nag-iisang si Jhoana Louisse Maraguinot, ang pinakamaganda sa buong katipunan. Yun ang sabi niya. Hahahaha (peace po)
At syempre, sino pa ba ang unang hihirit, walang iba kundi ang number 1 bully sa lahat si ate Ella.
ELLA: "Uy Jho, kamusta?"
JHO: "Ito po ate Ells pinakamaganda parin sa buong katipunan! May angal ka po ba?"
Nagtawanan ang buong team. May pagkabaliw din talaga 'tong si Jho minsan eh.
Malakas din ang trip, isa pa ay mapagpatol din sa mga kalokohan ng team paminsan minsan. Though there are times na tahimik lang yan.
ELLA: "Sobrang ganda mo nga bhe, kasi ang buhay love life mo makulay? Parang awitin ang peg, Mahal ko o mahal ako?"
PONGGAY: "Oo nga Jho, sino ba talaga? Si Ged ba or si Marci?" (nabasa ko lang po sa twitter nalilink kay Jho) Hahaha
JHO: "Ang totoo niyan ikaw talaga yung love ko Pongs eh, kaya lang may iba ka na, may Wong ka na kasi."
Inirapan lang siya ni Ponggay, ayaw kasi ni Pongs na tinutukso sila ni Wong eh.
Si Pongs ay magaling yan sila ni Wong na mampikon ng iba, pero sila mismo mga pikon din. Isang tao lang ang hirap pikunin sa team, ang nag-iisang donya ng katips, si ate Ells.
JULES: "Si Wong ba kamo! Si Wong na mabagal pa sa pagong."
PAT: "Siya na nga, wala ng iba."
Dahilan ulit para magtawanan ang buong team. Hay naku, kawawang Deanna.
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.