JHO POV
Kararating lang namin sa dorm from our Subic team building. Na naging tragedy para sa akin.
The remaining days after nang gabing yun ay puro iwasan and cold treatment. Nakasubaybay lang din ang mga teammates namin all throughout the remaining days.
Iniiwasan din nilang magtagpo kaming tatlo or mag-isa during the stay. Kaya nakaalalay lang sila.
Kaya pagdating nang dorm, I decided to go out dahil mga 2pm pa lang naman. I am on my car on the way to the UPTC.
Kinuha ko yung phone at may tinawagan.
JHO: "Puntahan mo ako dito sa UPTC now na."
UNKNOWN: "Wow ah. Maka demand wagas, jowa kita teh?"
JHO: "Daming hanas, basta pumunta ka na, maghihintay ako."
UNKNOWN: "Manigas ka, busy ako."
JHO: "Pabebe, kailangan ba maging jowa kita para makapag demand akong pumunta ka rito?"
UNKNOWN: "Oo. Bakit may reklamo ka?"
Medyo maangas niyang sagot.
JHO: "O Sige tayo na. Ayan pwede na?"
UNKNOWN: "Conservative ako, manligaw ka muna."
JHO: " Bwisit ka Liz, pag hindi ka pumunta dito, pupuntahan kita diyan sa bahay niyo at mang gugulo ako."
Pagbabanta ko sa kanya at alam niyang gagawin ko talaga yun.
It was Liz ang tinawagan ko, a good friend of mine. Matagal ko na siyang kaibigan, magkasundo kami sa lahat nang bagay.
LIZ: "Tsssk. Siguraduhin mo lang na importante yang sasabihin mo dahil kung hindi sasapakin talaga kita. Peste ka."
I turned off the phone. Beast mode na naman siya.
"Dami sinasabi pupunta din naman, ang arte." usal ko sa sarili.
After 30 minutes of waiting sa isang kainan sa UPTC, dumating siya at salubong ang kilay.
LIZ: "Ano na naman ba sasabihin mo?"
May kasungitan niyang wika habang paupo sa katapat na chair.
JHO: "Grabe, wala man lang bang hi, or I miss you or di kaya kiss man lang muna."
Paglalambing kong wika sa kanya kunyari di ko nakita ang kasungitan niya.
LIZ: "Kiss mo mukha mo. Kita mong ang dami kong gagawin, nang gagambala ka."
Pagmamaktol niya na parang hindi naramdaman ang paglalambing ko.
JHO: "Ikakayaman mo ba yang ginagagawa mo at hindi ka na pwede gambalain?"
LIZ: "Pakialam mo. Ano ba kasi sasabihin mo? Malamang sawi ka na naman."
JHO: "Huhuhu. Sawi nga. Break na kami ni Ponggay."
May kadramahan kong wika sa kanya.
LIZ: "Oh tapos?"
Ang saya niya talagang kaibigan. Nasawi na ako pero parang wala lang sa kanya.
JHO: "Grabe ka. Sawi na ako lahat lahat ganyan lang reaksiyon mo?"
LIZ: "May bago ba dun?"
Nabwisit ako kaya binato ko siya ng table napkin ayun sapol sa mukha. Binato niya pabalik sakin yung table napkin.
JHO: "Seryoso ako Liz, wala na kami ni Ponggay. Nahuli ko silang naghalikan ni Maddie."
LIZ: "Ano gusto mong gawin ko? Sugurin ko sila at sapakin? Eh ang laki nang mga yun, maisabit pa ako."
BINABASA MO ANG
PHOTOGRAPH (JIBEA)
FanfictionWhere memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. Where possibilities are realities. It is in photograph, where memories last a lifetime.