PART 2.33 LOVE

2.7K 46 2
                                    

BEA POV

We are all done with our dinner, nang biglang nagsalita ang Lola ni Jia.

LOLA: "Mauna ka na Julia apo. Kakausapin ko lang ang mapapangasawa mo."

Medyo nagulat ako sa sinabi ng Lola niya. Akala ko kasi tapos na ang pag-usap kanina sa sala kasama ang parents ni Jia.

"Seriously?! Ano naman kaya sasabihin niya sa akin at gusto ako kausapin?" (I silently think to myself)

"Lagot ka Beatriz... Ayan kasi landi pa more." (Bulong naman ng isip ko)

Then, tumayo na si Jia para magpaalam, she was about to kiss me pero napatingin muna siya sa Lola niya.

Yun lang pagkatapos lumingon sa lola niya ay tinap na lang ako sa shoulder at saka siya umalis. (Hopia Beatriz walang kiss)

Pagkaalis ni Jia, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

LOLA: "May relasyon ba talaga kayo ng apo ko?"

Medyo seryoso niyang wika at mataas ang tono ng boses.

BEA: "Opo, may relasyon po kami ng apo niyo."

LOLA: "Hindi dahil may relasyon kayo ng apo ko ay pwede na ninyong gawin ang kahit na anong gustuhin niyo. Gaya ng ginawa niyo kanina."

BEA: "Sorry po na inabutan niyo po kami sa ganung sitwasyon. Hindi na po mauulit."

"Hindi na talaga mauulit kasi this time sisiguraduhin kong nakalock ang pinto." Bulong ng isip ko

LOLA: "Dapat lang at siguraduhin mong pananagutan mo ang apo ko at hindi tatakasan."

"Kung alam ko lang na ganito Lola ni Jia dapat pala noon ko pa siya hinalikan sa harap ng Lola niya. Hahaha"

BEA: "Hindi ko po tatakasan ang apo niyo. Pakakasalan ko po siya kahit saang simbahan."

LOLA: "At huwag na huwag kang magkakamali na lokohin at saktan ang apo ko hindi ko palalagpasin yun. Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ng malaki kapag sinaktan mo siya."

Mas sumeryoso ang expression ng mukha ng Lola niya. And this time nakakatakot ang aura niya. And her words were strong already.

BEA: "Rest assured po that I will take good care of your apo. I love her and I will do anything to protect her."

LOLA: "Ano ba ang nagustuhan mo sa apo ko?"

"Di ako nainform may live interview pala ngayon."

BEA: "Lahat naman po sa apo niyo ay gugustuhin ng kahit na sino. Maliban lang sa pagka beastmode po niya."

LOLA: "Kung ano ang meron kayo ng aking apo ay wala naman kaming tutol doon. Ang sa akin lang ay tratuhin mo ng maayos ang apo ko at huwag mong sasaktan."

I can see the seriousness and sincerity in her words. Sobrang mahal niya ang apo niyang si Jia.

BEA: "Alam ko pong mahal niyo po ang apo niyo at mahal ko din po siya. I'll make her happy and try my best not to hurt her."

LOLA: "I hope paninindigan mo lahat ng sinabi mo. Dahil magkakasundo tayo kung ganun. Pero huwag lang na umuwi ang apo ko rito at umiiyak na ikaw ang dahilan, hindi kita palalampasin."

BEA: "Nauunawaan ko po."

LOLA: "Good. Sige na, pumunta ka na sa room mo at nang ikaw ay makapagpahinga na rin."

BEA: "Ok po. Salamat po. Good night po."

Kaya umalis na ako at pumunta na sa guestroom. Pagtapat sa room, dun lang ako medyo nakahinga ng maluwang.

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon