PART 2.36 RUMBLE

2.5K 56 6
                                    

BEA POV

Kagigising ko lang, Wala ang teambesh sa bed nila. When I take a look at the clock it is just almost four in the afternoon.

Dumating kami ni Jia ng dorm kanina mga past 2 na yun. Tumingin ako sa mga katabi kong bed ni isang anino wala akong nakita. Malamang nasa baba pa rin ang mga yun at may binibiktima na naman.

Kaya naghilamos ako, nagmumog at nagdesisyon na bumaba. Unang hinanap nang mata ko si panda, kaso she is no where to be found.

LY: "Si Jia ba hinahanap mo Bey?"

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.

ELLA: "Lumabas kaninang mga 3:00 pm. Kasama niya si Maddie na lumabas."

DEANNA: "Hala ka po ate Ella, bakit mo po sinabi? Sabi kanina ni Madz sekreto lang po yun eh."

ELLA: "Eh wala na, nadulas na eh. Alangan namang bawiin ko."

DEN: "Bahala ka Besh Ella ah, wala kaming kinalaman diyan pag nagkagulo."

Hindi ko gusto ang tinatakbo nang usapan nila. Lalong hindi ko gusto ang ideya na si Jia ay kasama si Maddie na lumabas.

BEA: "Silang dalawa lang po ba ang lumabas?"

LY: "Hay nako Jorella, wala kaming kinalaman diyan, bahala kang magpaliwanag mag-isa."

ELLA: "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Silang dalawa lang, gamit nila kotse ni besh LY."

BEA: "Ano naman ginawa nila? Bakit silang dalawa lang?"

MICH: "Sabi ni Jia kanina nang makasalubong ko, niyaya daw siyang lumabas ni Madz. Ikaw sana ang yayayain niya kaya lang sabi niya ay may kadate ka daw. Kaya kay Madz na lang siya sumama."

Pagpapaliwanag ni Mich, na hindi ko ikinatutuwa.

ELLA: "Sabi ni Madz kanina, yayayain daw niya makipagdate si Jia. Pero di daw niya sasabihin na date. Kasi baka hindi daw pumayag si Jia. Kaya ang sabi ni Madz, magpapasama daw siya kay Jia."

Nainis na ako, walang hiya si Maddie. Humanda talaga siya sa akin mamaya. Babangasan ko mukha niya, para maalala niya saan siya dapat lulugar.

BEA: "Bakit naman sinabi ni Jia na nakipagdate ako? Natutulog lang ako sa taas!"

MICH: "Malay, nagulat nga ako sa sinabi niya. Inisip ko na lang na baka nag-aaway na naman kayo."

BEA: "Saan daw po sila pupunta?"

DEN: "I've heard mag MOA daw sila. Mag skating ata eh."

LY: "Maupo ka na lang dito at uuwi din yun."

Kaya naupo ako sa tabi ni ate Ly. Nanunuod sila kaya nakikinuod na lang ako.

Habang nanunuod, i could not focus. My mind goes somewhere else. I'm thinking of Maddie and Jia, kung saan sila nagpunta, kung ano ginagawa nila.

BEA: "What time is it Kim?"

KIM: "4:15 pa lang. Why? May lakad ka?"

Then, itinutuk ko ang atensiyon ko sa pinapanuod. Kaya lang di talaga ako makapag concentrate.

BEA: "What time is it?"

ELLA: "Alam mo Beatriz panglimang tanong mo na yan in just 20 minutes. Malala ka pa sa alarm clock sa umaga eh. Yung snooze time ng alarm every 5 minutes. Ikaw ewan."

MICH: "Kung di ka mapakali diyan, tawagan mo or di kaya sunduin mo na lang."

ELLA: "Istorbo eh. Ayan na oh, tulo luha na yung palabas. Di kami makapag concentrate."

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon