PART 2.34 GOLD

2.7K 60 11
                                    

JIA POV

When I wake up, it is already 6:00 in the morning. Unang hinanap ng mata ko ay si Bea na tulog na tulog sa tabi ko.

Nakayakap yung kamay niya sa bewang ko habang natutulog siyang paharap sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko at bumangon na para maghilamos.

Pagbalik ko galing sa bathroom, tulog pa din siya. Ang gandang pogi talaga ng babe ko.

"Paano ba ako nainlove dito? (Bulong ng isip ko)

Lumapit ako sa kama katabi niya at hinalikan siya sa noo at binigyan siya ng smack sa labi.

Then, lumabas na ako sa room. Papunta ako nang sala nang may mukha akong nakita na hindi kanais-nais.

Of all people siya pa talaga makikita ko. Kaya uminit ka agad ang ulo ko ng makita ko siya.

Paano naalala ko na naman ang kinwento ni Bea. Hindi ko lang talaga matanggap na binastos niya si Bea ng ganun.

I won't allow anyone to treat her that way lalo't relative ko pa siya. Wala naman ginawa si Bea sa kanya para ganun ang iaakto niya in front of Bea.

Nakaupo siya sa sofa at kausap ang 2 ko pang lalaking pinsan. Kaya pagka kita ko sa kanya,  hindi ko alam anong pumasok sa akin at biglang uminit ang ulo ko at sinugod siya.

Unang bumungad ang dalawa kong pinsan.

PINSAN 1: " Oh pinsan ang aga ng gising ah."

PINSAN 2: "Oh ang aga-aga bakit beastmode ka."

Tumayo silang dalawa para bumeso. Hindi ako kumibo kasi yung atensiyon ko ay sa kumag na nasa harapan ko.

It was Anton's turn para tumayo at lumapit sa akin.

When he gets near, bigla ko siyang sinapak sa mukha. Ayon sapol ang kumag sa nguso. Kaya pumutok nguso sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya.

"Buti nga sayo." (Bulong ng isip ko).    I really made sure na tatama sa mukha niya ang kamao ko. Para man lang makabawi.

Sa sobrang gulat ay hindi agad nakapagreact ang mga pinsan ko sa pagsapak ko. Kaya lumapit pa ulit ako kay Anton para sapakin siya.

Swerte lang niya at naagapan ako nang isa kung pinsan at hinawakan ako sa kamay.

ANTON: "What the hell Julia! Anong problema mo?"

Medyo galit niyang wika at hawak hawak ang parte ng nguso niya na sinapak ko.

JIA: "Anong problema ko? Yang pagmumukha mo ang problema ko!"

Galit na galit kong bulyaw sa kanya. Paano kahapon ko pa siya gusto sugurin. Wala lang talaga chance kaya naipon ang ang inis ko.

ANTON: "Anong ginawa ko sayo?"

Angil niya sa akin in return. Hinaharangan na rin siya ng isa kong pinsan dahil baka ako naman ang sugurin niya.

JIA: "Sa akin wala. Pero kay Bea meron."

ANTON: "So nagsumbong na pala siya sayo! Ano namang kasinungalingan ang isinumbong niya sayo?"

Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Paano sinabi niyang sinungaling si Bea. Kahit kelan pagdating sa mga bagay na ganyan hindi magsisinungaling si Bea.

JIA: "Hindi lang makapal ang mukha, sinungaling ka pa. Kahit kelan hindi gumagawa ng kwento si Bea. Kung meron mang gumagawa ng kwento dito, ikaw yun. Napakawalang hiya mo talaga."

Pasigaw kung sagot sa kanya. Nakakagigil siya. Sana pala dalawang magkasunod na sapak ang binigay ko sa kanya. Hindi pala sapat yung isa lang.

Then, nagsilabasan na ang mga ibang relatives namin papunta sa sala kung saan kami naroon. Narinig siguro na nagkakagulo na kami dahil nagbubulyawan na kaming dalawa ng pinsan ko na si Anton.

PHOTOGRAPH (JIBEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon