Pangarap ko talagang mag-aral sa isang sikat na university sa Manila. Hindi ko alam kung bakit ko ba talaga 'to pangarap, pero alam ko na gustong-gusto kong mag-aral dun. At pupusta ako na bago pa man ako mawalan ng alaala, ay gusto ko ring mag-aral doon sa Regal Era University o REU.
Nakita ko lang siya sa isang pinoy indie film na pinanood ko noong bored ako. Sa school na iyon na-shoot 'yung pelikula. Nang makita ko 'yung lugar, bigla akong nakaramdam ng excitement. Kinabahan ako na para bang matagal ko nang alam na nagi-exist 'yung school, na para bang doon talaga ako papunta. Seryoso.
May napansin nga din akong pamilyar na lugar doon. Yung library yata yun. Ewan. Baka hindi. May mga students kasi na nagkakape dun.
May nagkakape ba sa library?
Kaya lingid sa kaalaman nina Mommy at Daddy ay kumuha ako ng online Admission test ng school na yun. Gusto ko doon mag-college. Swear. Pumasa naman ako sa Admission Test, at maganda din 'yung kursong napasukan ko (Biology.) Nakapag-register na rin ako online para mabilis na ma-process ang enrollment ko, kaya excited na 'ko.
Pero siguro ang pinakamalaking dahilan kung bakit gusto ko doon mag-aral ay dahil sa doon din nag-aaral 'yung mga kaibigan ko noong high school. Nakita ko kasi sila sa Facebook. Sa REU nga sila nag-aaral. At pakiramdam ko, pamilyar 'yung maraming puno ng Acaciaa at 'yung mga makukulay na Dorms nila at 'yung malaking canteen na parang plaza sa laki.
Ilang araw ko na ring ini-stalk 'yung mga dati kong kaibigan sa Facebook. Sinubukan ko lang namang makakuha ng information sa kanila kaya ko ginawa yun. Gusto ko lang malaman kung anong klaseng mga tao sila. Normal lang naman siguro yun di ba?
Second year na nila sa college ngayong pasukan. Samantala ako eh magsisimula pa lang ng aking first year. Muntik na nga akong 'di matuloy na mag-aral dun nang matuklasan ng parents ko na dun ako nag-enroll. Hindi kasi sila pumayag na doon ako mag-aral kasi ibig sabihin nun babalik ako ng Pilipinas. Yes, you heard it right. We are not in the Philippines anymore.
Kasi pagkatapos nang nangyari sa'kin nang sinubukan kong magpunta sa graduation program ng mga classmates ko, napagdesisyunan ng mga magulang ko na hindi na ako safe doon sa lugar namin. Siyempre, sumang-ayon ang psychiatrist ko, kasi hindi rin niya akalain na bigla-bigla akong mawawalan ng alaala nang ganun. Mas makabubuti raw muna na umalis kami ng Pilipinas, kung kaya naman namin.
Kaya ayun, nagpunta kami ng Singapore. Taga rito naman talaga sa Singapore ang family ng Daddy ko, kaya hindi kami nahirapang lumipat. Kahit ayokong sumama sa parents ko, wala naman din akong nagawa. Masyado rin kasi akong na-guilty sa nangyari sa'kin. Kaya hindi na ako nagprotesta pa kahit pa gusto ko pa ring puntahan 'yung mga classmates ko at manatili sa Pilipinas. Kaya ayun, tumira kami dito sa Singapore.
Okay na naman ako. Hindi na rin naman naulit 'yung nangyari sa'kin sa Pilipinas, hindi na rin sumakit ang ulo ko. Siguro dahil sa malayo na ako sa mga classmates ko, o siguro dahil na rin sa magagaling 'yung mga psychiatrist ko dito. Kaya pinayagan na akong mag-aral, at dito ko na tinapos ang high school ko. Inulit ko nga 'yung buong taon kaya nahuli na ako ng isang taon sa mga dati kong classmates.
In-expect nina Mommy at Daddy na dito na ako mag-aaral sa sikat na university dito sa Singapore, kasi pumasa din naman ako dito, ang kaso, talagang gusto kong bumalik ng Pilipinas. I have this feeling na ay handa na akong bumalik doon. Confident na ako na hindi na mangyayari ulit 'yung nangyari sa'kin doon.
Kaya nang sinabi kong gusto kong mag-aral sa university na yun sa Pilipinas, agad tumutol ang parents ko. Hindi daw nila gustong mangyari ulit sa'kin 'yung nangyari doon at naiintindihan ko naman 'yung sentiments nila.
"Janus anak, what if sumakit ulit ang ulo mo habang nandoon ka?"
"Mommy, ayoko ding mangyari ulit yun, "sabi ko kay Mommy habang nakikipag-usap tungkol sa college na gusto ko. "Pero sawa na akong maging safe, Mommy. Sawa na ako na nandito at nagi-imagine ng mga what-ifs, na what if andun ulit ako sa Pilipinas, at may naalala na 'ko mula sa past ko? What if doon ako mag-aral, at matuklasan ko kung ano man 'yung hindi ko pa natutuklasan sa sarili ko? Mommy, Daddy, gusto ko pong makilala ang sarili ko."
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...