19. The Bad Boy Falls In Love

1.1K 35 2
                                    

Napuyat ako sa kakaisip.

Langya. Ngayon lang ako nagkaganito. Ang daming bumabagabag sa isip ko ngayon. Nakakaasar na nga eh. Unang-una na dun yung bumalik na ala-ala ko.

Paulit-ulit ko siyang iniisip…

Yung nakahiga kami ni Cassidy sa damuhan…

Yung nagtatama ang mga mata namin…

Yung paghalik ko sa kanya…

Namumula na lang bigla ang pisngi ko pag naaalala ko kung paano naglapat yung mga labi namin… both sa memory at yung totoo…

Ang sarap lang sa pakiramdam na naaalala ko yung memory na yun. Siyempre, unang ala-ala ko yun na bumalik saken kaya ang saya-saya ko to the point na naglo-look forward na ako sa susunod na pananakit ng ulo ko. Hula ko ay isang sign ang pananakit ng ulo ko na may maaalala ulit ako.

Basta ang alam ko, tama ako na maging close kay Cassidy. Siya ang kasama ko nang bumalik yung ala-ala ko eh. Kaya malakas din ang kutob ko na maaaring marami pang ala-ala ang magbalik sa akin pag kasama ko siya.

It’s like she is my medicine.

Pero ang problema, hindi ko na naman siya mahagilap. Inaabangan ko siya sa Literature class namin. Nag-reserve pa nga ako ng seat para sa kanya. Hindi ko pinaupuan sa mga classmate ko yung katabi kong chair. Kanina sinubukan ni Natalie na tumabi sa akin pero pinaalis ko siya (na rather harsh). Classmate ko pala siya dito? Oh buhay!

Napapatingin ako palagi sa pinto pag bumubukas iyun. Ini-expect ko na papasok siyang humahangos dahil late na naman siya. Tulad ng mga nakaraang classes namin, lagi siyang late sa di ko alam na dahilan. Pero gusto ko yun, yung late siya, kasi nagkakaroon ako ng chance na titigan siya nang mabuti pag pumapasok siya ng room. Medyo malayo nga kasi ang seats namin simula nang sinubukan niyang umiwas sa akin.

Medyo nalungkot ako kasi hindi siya dumating ngayon. Binigyan na nga siya ng warning ng Prof. Isang absence na lang daw at drop na siya.

Nasaan kaya si Cassidy?

Saan siya nagpupunta pagkatapos ng isang mission namin?

Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lang ako nalungkot na ewan. Ah basta!

Kanina naisip ko, baka name-miss ko na ata siya. Pakshet. Naiisip ko siya ngayon. Naisip ko siya kasi bumili ako ng siopao sa Regal Diner’s. Paborito niya yun eh. Naalala ko tuloy nang sumali kami sa eating relay contest. Pinagdamot niya talaga yung siopao. Haha.

Tapos eto na naman. Naalala ko na naman siya. Bigla kasi akong napabili ng kape sa vending machine kasi inaantok ako. Eh Math pa naman ang sunod kong class. Naalala ko si Cassidy kasi paborito niyang magkape ng black coffee na napakatapang. Ako naman, hilig ko yung magatas to the point na parang di na siya kape.

Tss. Ano ba to. Bat lagi na lang siyang sumasagi sa isip ko? Ba’t parati ko na siyang naaalala sa mga simpleng bagay?

Di kaya…

Hindi kaya..

GUSTO KO NA SIYA?

Ganito ba yung feeling ng nagkakagusto sa isang babae?

Wala kasi akong idea. Wala naman akong maalala sa nakaraan ko, at wala naman akong crush dun sa Singapore although marami dun ang may crush sa akin. Haha!

Pero posible ring nararamdaman ko to kasi bumalik yung memory ko about her? Did that memory affected me?

Posible.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon