Alam kong pagkatapos ng allergy scene namin ni Cassidy ay hindi na siya lalapit pa sa'kin. Kung noon ay nagagawa pa niya akong sulyapan, ngayon umaarte na siyang para bang wala ako sa paligid niya 'pag malapit ako sa kanya.
Paminsan-minsan, lumalapit siya kina Atlas at Owen pero yun na yun. Pag nakikita niya akong papalapit, o kapag nararamdaman niyang gusto ko siyang kausapin, bigla na lang siyang aalis at sasabihing may nakalimutan siyang puntahan. Kapag sinusundan ko naman siya, bigla siyang maglalaho kasama sina Jane at Lucy.
I feel bad about it. Gusto ko siyang kausapin at humingi ng tawad nang paulit-ulit para sa nagawa kong kasalanan na sa totoo lang ay hindi ko naman matandaan, but she won’t give me the chance. She won't let me change my image.
"Bakit ka ba kasi affected sa kanya?" medyo naiiritang tanong na ni Stacey nang i-share ko sa kanya kung ano ang nangyari. "Ano ba sa'yo kung galit na galit siya sa'yo? Hindi mo naman yun kawalan, Janus. I mean, sino ba siya?"
Umiling ako. "Actually, hindi ko rin alam. Maybe this is for my peace of mind?"
"More like you, pare," sagot naman ni Peter. "Sana nga para sa peace of mind mo lang yan. Alam mo bang ang weird lang tingnan na nag-aalala ka sa isang tao?" Aniya at nagtawanan sila doon. And again, naasar ako na parang may alam na naman silang isang bagay na hindi ko alam. I feel like a joke.
Nakatambay kami ngayon sa Open Field na nasa pagitan naman ng Blue at Green Dorms. Pinapanood naming mag-practice ng football sina Tanner, Dave, at Jio na kasali sa football team ng school.
Pero wala sa kanilang tatlo ang atensiyon ko. Napi-picture ko na naman kasi 'yung dating ako. I know was a great bully. Pero hindi ko inasahan na may tulad ni Cassidy na masyadong naapektuhan sa mga ginawa ko noon sa kanya. I know that Stacey and the rest of my old friends are bullies, but until now I really can't believe that I'm one of them.
They also seem to have bad reputations here at school. Parang notorious group pa nga ang tingin ng mga students sa kanila dito eh. Napapansin ko yun. Iniiwasan sila ng iba. Siguro may reputation na talaga sila sa school na hindi ko alam. Baka maimpluwensiya sila o di kaya marami silang bad records dati. At sana lang hindi ako kasama doon sa mga may bad records sa grupo kung totoo man na merong ganun.
Pero pansin ko rin, puro mayayaman sina Stacey, Dave at ang buong tropa. Tapos kaibigan pa nila 'yung mga upperclassmen na parang kasali sa mga fraternity dito sa school. I can't help but think na malalaking isda nga sina Dave dito sa school. Sa'kin nga, kung makatingin 'yung mga fratmen, parang kilala din nila ako. Kaya hindi na ako magtataka kung sumali rin ako dati sa frat nila. May nagsasabi sa'kin na dati ko silang mga kakilala. Kaya nga I hate knowing all of this. And I think I hate too all of the things that I did before my memory disappeared. I hate that I somehow made someone's life miserable before.
Pero napaisip din talaga ako. Bakit nga ba ganun na lang ang concern ko sa nararamdaman ni Cassidy? Is this guilt?
But I can’t even remember what I am being guilty for.
O baka naman awa?
Naaawa nga ba ako kay Cassidy?
Pero may parte ng sariki ko na sumasang-ayon naman sa sinabi ni Stacey. Na dapat wala na akong pakialam kay Cassidy dahil hindi ko na rin naman siya matandaan. Bahagi na lang siya ng nakaraan ko, kaya dapat kalimutan ko na rin ang tungkol doon. Pero iba kasi ang kutob ko dito kay Cassidy. Parang ang dami niyang connection sa pagkatao ko. At siguro subconciously, gusto kong malaman ang lahat-lahat, kahit na alam ko rin namang posibleng hindi magaganda ang mga katotohanang malalaman ko. I freakin' hate this condition I'm suffering from. I badly wanted to recover from this temporary memory loss. (I hate it calling temporary, when I don’t know kung babalik pa nga talaga ang alaala ko.)
BINABASA MO ANG
Don't Forget
Narrativa generaleNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...