"So, si Cassidy nga yung nakita mo, Janus?" di makapaniwalang tanong sakin ni Chari. Nasa Cherry‘s Pie na kaming lahat. Dito kasi ako tumakbo pagkatapos kong makita sila Gian bastard at Cassidy na sumakay ng kotse.
Ngayon ko lang napansin na ang dami-dami pala namin kapag nasa iisang lamesa lang kami. Malay ko ba kasing susundan ako nila rito.
Nakaupo sila palibot sakin. Naghila pa nga ng extra table sila Kuya Jigs at Kuya Xander na humabol samin. Lahat sila nakatingin sakin at sa key chain na hawak ko sa kamay ko.
Hindi ko na nasagot yung tanong ni Chari sa dami nang tumatakbo ngayon sa isip ko. Nakatingin lang ako kay Pao-Pao na hawak-hawak ko.
Asan ka ba Cassidy? Bakit kasama mo si Gian bastard? At ano ba talaga ang nangyayari sayo?
Gulong-gulo na ang isip ko kaya halos hindi ko na marinig kung anong pinag-uusapan nila. Bumalik lang ako sa huwisyo nang inalog-alog ako ni Natalie na nasa tabi ko.
"Janus, ayos ka lang ba?" untag niya sakin. "Alam naming nasasaktan ka, kaya nga nandito kami..."
Tiningnan ko silang lahat. Lahat nga sila mukhang nag-aalala para sakin.
"Janus, mga kaibigan mo kami, kaya pwede kang magkwento samin..." sabi naman ni Charles.
"Oo nga," dugtong ni Owen. "Nag-aalala na kami para sayo. Alam naman naming kay Cassidy yang hawak mong key chain kaya alam naming siya yung nakahulog niyan sa kalsada na hinabol mo."
"Ang sabi samin ng Mommy mo, hindi daw magandang problemado ka kasi lalong sasakit yang ulo mo," si Atlas naman ngayon. "Kaya i-share mo naman yang kung ano mang bumabagabag sayo."
Ayoko sanang magsalita. Nahihiya kasi ako sa kanila, nadamay pa sila sa problema ko. Isa pa, I‘m not the type of person who shares my problem to friends, kaya ang awkward din. Ang kaso naman, ang sakit-sakit na sa dibdib ng mga nangyayari. Nasa Loony Aly din naman pala si Cassidy, so bakit di niya ako nilapitan? Bakit di niya ako kinausap? Tama ba si Fred na binabantayan niya ako at pinagmamasdan, pero hanggang doon na lang? Ganoon ba siya ka-pursigidong iwan ako? Ganun na lang ba kadali para sa kanyang balewalain ang lahat?
"Uy, Janus, ano na?" untag ni Vince sakin. "Anong nangyari dun kanina sa labas? Nahabol mo ba si Cassidy? Nakausap mo ba?"
"Ang tanong, si Cassidy nga ba yun?" dugtong pa ni Natalie at inirapan siya ni Chari.
"Salamat sa pag-aalala, guys," mahinang sabi ko. I find it hard to speak clearly. Parang unti-unting nauubos ang boses ko. Pero pinagpatuloy ko kasi I owe explainations to my friends. "Si Cassidy nga yung nakita ko at sa kanya nga tong key chain. I gave this to her at the School Fair."
Yun nga ang masakit. Parang ominous tong pagkahulog ni Pao-Pao sa kalsada. Sana nga nahulog lang to ni Cassidy at di niya sinasadya.
"Hindi ko na siya naabutan. Nakasakay na siya sa kotse ni Gian bastard bago ko pa man sila nahabol. Nakakainis lang kasi nasa iisang lugar lang pala kami kanina, pero hindi ko man lang siya napansin o naramdaman agad."
Tumango si Chari. She looked very worried. "Janus, wag mong sisihin ang sarili mo..."
"Tama si Chari, Jan-Jan," sabi ni Natalie na parang naiiyak pa. "Si Cassidy ang may kasalanan. Kung nag-aalala talaga siya para sayo sana kinausap ka man lang niya."
"Salamat Natalie, at gumaan talaga ang pakiramdam ni Janus," sarkastikong sabi ni Chari.
"Hey! I am just stating a fact!" pagtatanggol ni Natalie sa sinabi niya. "Naiinis ako kay Cassidy! Look at Janus! Tingnan niyo nga ang itsura niya! Naaasar ako sa babaeng yun! I‘m sorry Janus, pero sumosobra na yang si Cassidy. Kung ayaw niya na sayo, ba‘t di ka na lang niya diretsuhin at nang matapos na, hindi yung ganito na nagpapahabol pa siya na parang prinsesa---"
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...