Habang pabalik kami ng Manila, eto lang ang nasa isip ko.
Una, alam ko na kung bakit ang awkward ni Stacey at ng buong barkada sa akin ng una nila akong makita dito sa school. May mga naiwan pala akong issues with them.
Ikalawa, naiintindihan ko na kung bakit ganun ang ugali ng barkada. Dati pa pala silang mga bullies. At tulad nila ako dati.
Ikatlo, alam ko na kung bakit iniiwasan ako ni Cassidy nung una kaming nagkita sa school. Malamang na-shock siya nang makita ulit ako at naalala niya ang lahat-lahat.
At ikaapat, naiintindihan ko na rin kung bakit pa-iba-iba ang ugali ni Cassidy pag kasama niya ako. Kapag inis na inis siya o galit na galit sakin, alam kong naaalala niya ang lahat ng pinaggagawa ko sa kanyang kalokohan, plus the fact na iniwan ko siya sa ere after kong maaksidente. Not to mention na kung minahal niya talaga ako ng ganon katindi, at bigla na lang akong mawawala, tapos mapipilitan siyang kalimutan ako, well, that was heartbreaking.
Really heartbreaking.
At sa mga moments na napakabait o masaya siya pag kausap o kasama niya ako, siguro ay naaalala lang niya yung mga happy moments namin, at hindi niya mapigilang isipin na kung sakali mang bumalik ang ala-ala ko eh babalik din ang relationship namin.
That’s why I feel sorry for Cassidy. Na-realize ko, kung may nasaktan man ng todo sa pagkawala ng memories ko, siya yun at hindi ako.
Sinubukan niya akong kalimutan, at noong at last ay parang successful na siya, saka naman ako babalik at sisirain ang lahat-lahat. Kaya ang weird ng reaction niya kapag kasama niya ako.
Sabi nga nung kasabihan sa indie film na pinanood namin sa film showing namin, young love cuts the deepest.
Pero ewan ko ba, simula nang malaman ko ang lahat nang sinabi sakin ni Cassidy tungkol sa nakaraan ko, pakiramdam ko story siya ng ibang tao at hindi ng sarili ko. Hindi ko parin ma-associate ang sarili ko na na-in love, nakipagbreak, nakipagsuntukan, o umakyat sa stage sa harap ng maraming tao para iligtas si Cassidy sa kahihiyan…
Pakiramdam ko... ibang tao yun, oh well, si Janus-before-the-accident nga pala yun.
Gabi-gabi bago ako matulog, iniisip ko kung anong klaseng ugali meron ako noon bago ako naaksidente, kung anong nangyari kung hindi ako naaksidente.
Pero wala eh... hindi ko na malalaman ang maaaring nangyari kung hindi ako naaksidente...
So pagbalik namin galing fieldtrip, lumala naman ang sakit ko. Lagnat lang yung meron ako sa Dapitan, pero ngayon sumasakit na din ang ulo ko. Siguro masyado akong napagod sa travel, at sure ako na papatayin ako nila Mommy at Daddy kapag nalaman nilang nagbiyahe ako ng ganun katagal—dalawang barko, isang bus, at in three days!
Medyo mas mahina na daw kasi ang immune system ko kaysa sa ordinary person dahil sa condition ko. Ito din daw ang reason kung bakit may temporary memory loss ako.
I always liked saying na may temporary memory loss lang ako at hindi permanent memory loss kahit halos two years na rin ang lumipas at wala pa rin akong maalala kahit isang segundo ng nakaraan ko. Hindi naman masamang mangarap na balang araw eh babalik ang lahat ng ala-ala ko diba?
Ng hindi ko na kinaya ang sakit ng katawan at ulo ko ay nagpa-admit na ako sa school clinic. Inihatid ako nila Owen at Atlas.
Two days din ako dun bago ako pinalabas. Nahirapan pa akong bumalik sa Dorm kasi ako lang mag-isa.
Hinintay ko sa labas ng school clinic sina Owen at Atlas na nangakong susunduin ako at aalalayan pabalik ng Dorm, pero hindi parin sila nagrereply sa mga texts ko kaya nagsarili na lang ako. Baka kasi busy rin sila.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...