Epilogue

1.4K 37 27
                                    

Tahimik siyang umiiyak sa harap ng isang puntod. Halos buong hapon na siyang umiiyak dito sa Memorial Park at di ko maiwasang maawa sa kanya. Pinagmasdan ko na lang siya ng mabuti.

Isa siyang magandang babae na kulot ang buhok. Maamo ang kanyang mukha at may pagkamahiyain. Halos kaedad ko lamang siya. At maganda siya. Hindi yung magandang-maganda, yung mukha niya pag tinititigan mo samu't-saring magagandang emosyon ang nararamdaman mo. Na para bang bahagi siya ng isang masayang ala-ala. Ganun ang taglay niyang ganda.

Patuloy ang pag-iyak niya sa puntod at sa bawat dinig ko sa boses niya ay parang nadudurog ang puso ko. Gusto ko sanang yakapin siya at patahanin siya ngunit di ko alam kung paano. Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan siya sa gilid.

Kanina pa ako dito sa gilid na nagmamasid sa kanya pero parang di niya ako napapansin. Natatakpan kasi ng isang puno ang kinatatayuan ko kaya marahil di niya ako makita. Importante siguro sa kanya yung namatay at nilibing kanina kasi ganito niya na lang ipagluksa yung namatay. Basta iyak lang siya nang iyak doon sa puntod.

Maya-maya naman ay may dumating na lalaki na sa tantiya ko ay mas bata sakin ng ilang taon at lumapit siya sa babae.

"Ate..."

Nag-angat ng tingin yung babae at lalo lang siyang napaiyak pagkakita niya sa kapatid niya.

"Wala na siya, Marvin..." hikbi ng babae na napayakap sa lalaking nagngangalang Marvin. "Iniwan na niya ako..."

"Binabantayan niya na tayo ngayon... kung nasaan man siya..." sagot naman ni Marvin.

Tumango naman yung babae at nagtirik siya ng kandila sa puntod na mukhang bago pa. Nakita ko pang tinulungan siya ni Marvin na linisin ang paligid ng puntod. Nang matapos sila ay tahimik nilang pinagmasdan yung puntod.

"Tara na Ate, uwi na tayo..."

Naglakad na sila papunta sa kung nasaan ako at para akong kinabahan ng kaunti.

"Janus!" gulat na tawag sa akin ng babae nang makita niya ako. Agad niya akong niyakap at naamoy ko yung pabango niyang parang strawberry na pamilyar sakin. Nagulat pa ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi.

Pinagmasdan ko na lamang siya na mukhang nag-aalala sa akin.

"Bakit ka nandito? Sino ang kasama mong pumunta rito? Bakit umalis ka ng bahay?" sunod-sunod na tanong niya at ngumiti na lang ako.

"Sinundan lang kita..." sagot ko naman.

"Bakit mo ako sinundan? Baka napano ka!" sabi niyang nag-aalala.

"Tara na Kuya uwi na tayo sa bahay," yaya naman ni Marvin na umakbay sakin. "Panigurado nag-aalala na niyan ngayon sila Tita kung saan ka nagpunta..."

"Tatawagan ko sila agad ngayon, baka hinahanap ka kasi nila eh..." sabi naman ng babae at sumakay na kami sa kotseng nakaparada sa may kalsada.

Alam kong mali ang ginawa kong umalis ng bahay at sundan silang magkapatid, pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang sabi kasi ng babaeng katabi ko, asawa ko daw siya. Siyempre nagulat akong malaman na may asawa na ako sa edad ko, pero di nagtagal ay natutuwa na rin akong asawa ko siya. Ang bait kasi niya at ang lambing pa. Tapos halik siya nang halik sakin. Gusto ko yun pag ginagawa niya yun kahit medyo nahihiya ako.

Kaya ko lang naman siya sinundan ngayon ay dahil sa nagtataka na ako kung saan siya pumupunta pag umaalis siya. Ilang araw na kasi siyang alis nang alis at pag-umuuwi siya ay puyat siya at mugto ang mata niya. Gusto ko siyang tanungin kung saan siya nagpupunta pero nahihiya ako sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nagsisinungaling lang siya. Na hindi ko naman siya talaga asawa. Kasi kung asawa ko siya, bakit umaalis siya? Bakit hindi siya doon natutulog sa bahay?

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon