Tapos na!
Sa wakas, natapos ko na ang kauna-unahan kong story dito sa Wattpad!
Maraming salamat sa lahat nang nagbasa, naghintay ng updates, at sa mga naging mga kaibigan ko dito sa Wattpad dahil sa story na ito kahit inabot ng isang taon ang pagsusulat nito.
Salamat sa pasensya sa paghihintay ng update kahit ang tagal o natigil ng ilang buwan. Hindi kasi naging madali ang pagsusulat ko nito. Ang hirap maghanap ng oras sa pagsusulat sa gitna ng trabaho at personal kong buhay.
Maraming beses ko nang sinubukang sukuan itong story na ito. Nahirapan kasi ako at pakiramdam ko hindi ko maisusulat nang maayos kung ano yung kwentong tumatakbo sa isip ko. Maraming beses ko nang naisipang burahin yung story kasi nainis ako sa dami ng typo, sa gulo ng kwento sa isip ko, at sa dami ng conflicts sa plot. Masyado kasi akong nadramahan sa plot ng kwento. Comedy ang natural kong genre at nanibago ako sa ganitong klaseng istorya. Hindi ko rin nagustuhan yung mala-teleseryeng takbo ng kwento noong unang beses ko itong isinulat sa notebook ko.
Pero hindi ko kinayang hindi isulat sila Janus at Cassidy. Masyado akong na-in love sa mga characters nila. Ewan ko ba pero para sakin totoong mga tao sila. Matagal na akong nagsusulat pero ngayon lang ako nahumaling sa mga sarili kong gawang characters. Mahal na mahal ko sina Janus at Cassidy at kahit tapos na ang kwento nila ay magpapatuloy sila sa isip ko. Last week nga lang may nakita akong chinito na lalaki na may kaholding hands na babaeng kulot ang buhok sa mall at naisip ko bigla sila Janus at Cassidy. Siguro nalulong na ako sa kwento nila kaya kailangan ko nang magtake ng break para mabigyan ko naman ng chance yung ibang characters at stories ko.
Nakakatuwa sa pakiramdam na nairaos ko na itong kwentong ito. Baguhan lang ako at nang sinulat ko ito ay di ko naman expected na may magbabasa talaga. Kaya sobrang salamat talaga sa inyo. Isa ito sa mga bagay na hinding-hindi ko makakalimutan.
Nang sinulat ko ito, hindi talaga sina Janus at Cassidy ang bida nitong story. Bahagi lang sila ng mas malaking story kaso inisip ko na mababaliw ako sa sobrang pag-iisip sa dami ng mga characters kaya ginawan ko na lang sila Janus at Cassidy ng sarili nilang story. Nasobrahan nga lang. Haha. Anyway, connected ito sa isa ko pang story, yung Thirteen Ways of Meeting Him. Pinaghiwalay ko kasi sila na dapat ay iisang story lang. Kaya kahit tapos na ang Dont Forget ay hindi parin tapos ang pagsusulat ko.
Basta, salamat po sa lahat. Salamat sa pagiyak at pagtawa kina Janus at Cassidy.
Hart. Hart. Hart.
@jepoylee
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...