1. Waking Up

2.8K 70 10
                                    

When I was in my fourth year in my high school, I had an accident.

I lost all my memories.

I lost all I had.

I lost my past.

Amnesia? Baka. Sabi ng mga magulang ko nabagok daw ang ulo ko nang maaksidente ako. I was in coma for three months. Akala nga nila wala na akong pag-asang magising ulit, na habang buhay na akong matutulog sa malungkot na kwarto ng ICU.

Pero isang umaga, bigla na lang daw akong nagising. Tandang-tanda ko pa ang umagang iyon, para akong nakalutang sa hangin... ang gaan ng ulo ko... Wala akong maintindihan sa paligid ko nun... na para bang kasisilang pa lang sa'kin at blankong-blangko ang utak ko... Wala akong makilala sa mga taong sumalubong sa'kin nang magising ako. Pero ang nakakapagtaka, ang bilis ng tibok ng puso ko nun. At pakiramdam ko may hinahanap ako, may hinihintay ako, pero hindi ko alam kung ano... O kung sino.

Limang buwan din akong sumailalim sa therapy bago ako naging maayos, bago ko naintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Kung computer siguro ako, malamang na-reformat yata ako sa pagkabagok ng utak ko.

Unti-unti, may mga detalye mula sa nakaraan ko ang bumabalik na parang mga piraso ng jigsaw puzzle. Kagaya na lang ng pangalan ko. 

Ako si Janus Go.

Minsan may mga naaalala akong mga nagawa ko dati... pero di ko naman maintindihan. Kapag nangyayari 'to hindi ko talaga maitago ang frustration ko. I throw things madly. Nagwawala talaga ako. Gusto ko kasing bumalik na agad ang mga alaala ko. Ilang beses din na may mga information akong naaalala na lang bigla. Tulad ng birthdays. My age. Random people’s names. Mga ganun.
Pero hanggang dun lang. Bukod sa konting mga imahe sa isip ko, wala na akong ibang maalala pa.

Nalaman ko rin na nagkaroon pala ako ng temporary memory loss dahil sa mahabang panahon na nasa coma ako. Pero habang nagpapatuloy daw ako sa therapy eh maaalala ko rin naman daw ang lahat-lahat at babalik din ang mga nawawala ko pang mga alaala.

Alam ko iniisip nina Mommy na masyadong frustrated ako kasi may mga bagay sa past ko na gusto kong maalaala, kaya ganun na lang nila ako alagaan. Mabuti na lang talaga at sila ang mga magulang ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung wala sila.

Pero bilang isang teenager, marami talaga akong katanungan. Hindi ko rin iyon maiwasan, dahil nakakapanood ako ng mga palabas sa tv, at napapaisip din naman ako sa mga bagay-bagay.

Tulad na lang kung may mga kaibigan ba ako? May nagustuhan na ba akong babae? Nagka-girlfriend na ba ako? O kahit crush man lang? 

Ano bang klase akong tao? Nerdy? Nice guy? Bad boy? Shy type? Athletic? Artistic?

Hindi ko rin kasi alam kung anong klaseng sixteen year old ako bago ako naaksidente. Kaya habang tumatagal, nakyu-curious na ako sa pagkatao ko. Kasi habang tumatagal na wala akong maalala, nararamdaman ko, may malaking kulang sa kung ano man ang mga naaalala ko ngayon. Alam ko, may mga importanteng bagay na nangyari sa buhay ko na 'di ko matandaan.

Dun ako nagsimulang di na mapakali, at sinubukan kong pilitin ang sarili ko na alalahanin ang lahat-lahat. Kaso hindi payag ang psychiatrist ko na pilitin ko ang sarili kong alalahanin ang nakaraan kasi makakasama lang daw sa'kin. Parehas din ang sinabi ng parents ko.

Pero nagdaan ang mga araw at parang wala namang bagong ala-ala na nadadagdag sa utak ko, kaya hindi na talaga ako mapakali. Pakiramdam ko talaga mahalagang parte ng buhay ko 'tong nawawala sa alaala ko. That’s why I became impatient.

Uncontrollable. 

Kaya bago pa ako mabaliw sa kakaisip pa ay kumilos na ako. Hinalughog ko ang buong bahay namin para sa mga lumang photo albums namin, at hindi naman ako nabigo. Nakita ko sila sa ilalim ng cabinet ng Mommy ko. Naisip ko kasi na pwede akong mag-umpisa sa mga pictures. Baka sakaling may maalala ako sa mga yun habang tinitingnan ko. Di ba ganun naman sa mga pelikula at teledrama? 

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon