Alam niyo yung feeling na naguguluhan sa dami ng bigla mong nalaman?
Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon.
Not to mention na yung nalaman ko ay mga kagaguhan ko pa kay Cassidy.
Sumasakit tuloy ulit ang ulo ko sa kaiisip. Niri-refresh ko na nga gabi-gabi sa utak ko yung mga nalaman ko na para bang kailangan ko silang i-memorize para hindi ako malito.
Una, hindi pala maganda ang unang pagkakakilala namin ni Cassidy noong high school. Inis na inis pala talaga ako sa kanya dahil sa pakiramdam ko sinisira niya ang chance ko sa gusto kong buhay sa college kaya pinagtripan ko siya. Pagkatapos, nagpanggap akong mabait sa kanya. Tapos may nangyari pa after na di ko pa alam kaya naman naging kami ni Cassidy. Ang alam ko lang, parang nagkaroon ako ng remorse at ipinagtanggol ko siya sa mga kaibigan ko to the point na nagkaaway-away na kami nila Dave.
At pagkatapos, naaksidente ako, nawalan ng ala-ala, at umalis ng bansa. Iniwan ko si Cassidy. Tapos bumalik ako dito after two years at siyempre, hindi alam ni Cassidy ang gagawin nang makita niya ako ulit.
Ang unang reaction niya ay iwasan ako kasi wala naman akong naaalala. Isa pa, naunang lumapit sakin sina Stacey kaya hindi na niya ako pinakialaman. Pero mukhang dumalas ang pagkikita namin to the point na hindi na niya ako kayang iwasan. Sinubukan ko kasi siyang kaibiganin, simula nang malaman ko na may relasyon kami noon.
Pero naaalala niya yung sakit nang pag-iwan ko sa kanya, at dahil kasama ko palagi sina Stacey, natatakot siyang muling ma-connect sa kanila. Mukhang na-trauma na siya sa kanila. Kaya naman sinubukan niya akong itaboy. Nagsinungaling siya. Sinabi niyang hindi pa niya ako napapatawad. Kaya ayun, akala ko galit na galit pa rin siya sa akin.
Pero sa paglipas ng mga araw nakikita niya kung paano ako mas nagiging malapit kina Stacey, lalo na nang humiwalay ako sa tropa nila Atlas. Naisip niya na baka bumalik ako sa dati kong ugali. Kaya gumawa siya ng paraan.
At ngayon, tinutulungan ko siyang gantihan ang mga taong nanakit sa kanya noon, kapalit ng isang ‘chapter’ ng buhay ko.
Tss! Ang gulo!
Nakakainis kasi kahit pangit ang nalalaman ko tungkol sa mga ginawa ko kay Cassidy, gusto ko pa ring malaman ang kasunod kasi curious ako kung paano ako na-in love kay Cassidy exactly.
Na-shock din ako na may diary entry pala ako noon na sinulat! Naalala ko pa nga sa sulat, hindi ako ganun ka-please na magsulat sa diary, but Cassidy encouraged me.
God, I must really loved her for me to change that way.
Kaya may naisip akong gawin. Sisimulan ko ngayong magsulat sa isang diary. Hindi ko alam kung para saan exactly, but I just felt the need to do it. Naisip ko, at least kung mawawalan ulit ako ng ala-ala, may diary na ako na babalikan diba? Babasahin ko na lang ito and presto!
Naghanap ako ng diary sa mga school things ko but I can’t find any. Tapos may nakita akong maliit na itim na libro sa may trash bin namin ni Fred sa room. Kinuha ko yun. Naaalala ko na ito! Ito yung diary na binigay sa akin ni Atlas nung gusto niya akong sumali sa Nitwit Club niya. (By the way, patuloy pa daw ang operasyon ng Nitwit Club, ewan ko lang kung anong pinag-gagagawa nila.)
Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang sumulat sa diary. Imbes na Dear Diary, ang sinulat ko ay...
Dear Cassidy…
At nagsimula akong magsulat simula sa pinakaunang naaalala ko… yung scene kung saan susugod sana ako sa graduation nila Stacey… yung scene na bigla akong walang maalala ulit at naging reason kung bakit kami umalis patungong Singapore.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...