Sa mga sumunod na araw, palagi kaming nagkikita ni Cassidy sa Cherry's Pie para magplano ng kanyang mga gagawin laban kina Stacey at sa buong barkada.
"Ngayong nasa Green House kana nagdo-dorm, mas magiging madali na ang plano natin laban sa kanila. Lahat sila nagdo-dorm doon."
Tumango ako. "Ang tanong, anong gagawin mo sa kanila?"
Humigop ng kape si Cassidy. "Hmm... Yung gagawin natin ay yung tipong di nila makakalimutan habang nandito sila sa school."
Tumango ulit ako. "Gaya nang pag-upload ng private videos nila." Na-imagine ko na ang sarili ko na mag-aala-stalker sa pagkuha ng funny videos nila Stacey. Iniisip ko pa lang parang di ko kayang gawin eh.
"That's right. Pero napaka-obvious naman nun. Posibleng mahulaan nila na tayo ang gumawa nun kapag gawin natin yan since tayo lang ang may motibong gumanti."
"Opo, Miss Lawyer, so... any ideas?"
"Ikaw ang nakakasama nila parati. Siguro naman alam mo kung saan sila abala. I mean, kung anong mga bagay ang mga interest nila. Dun tayo pwedeng kumuha ng idea."
Kumunot ang noo ko. "Hmm... ano nga ba? Sina Jio, Dave, at Tanner ay members ng football team ng school. At malapit na ang game nila. Tama! Sa Friday na ata! Does that help?"
Kuminang naman ang mga mata ni Cassidy. "Oh my God, Janus! You're such a genius! I love you!"
At napayakap siya sa akin.
Ilang awkward moment of silence and then bumitiw na siya.
Parang siya mismo ay nagulat sa ginawa niya. Namumula nga siya eh.
Ako naman, naamoy ko ang strawberry perfume niya at biglang nag-init ang pisngi at mga tenga ko pagkarinig ko ng 'I love you'.
At ewan ko ba... parang... parang... gumaan ang pakiramdam ko?
"So... ano ang balak mo?" sabi ko nalang para maitago ang pamumula ko.
"May naisip ako. This will be fun. So eto na lang. Sino ang gusto mong unahin natin? Si Dave, si Tanner o si Jio?"
Napaisip muna ako.
"Si Jio na lang. Tutal siya naman ang nag-upload ng video."
Tumango si Cassidy. "May kailangan kang gawin, Janus. At ito ang magiging susi para magawa natin ang balak natin perfectly."
***
Isa sa mga plano ni Cassidy ay ang maging mabait ako kina Dave, Jio at Tanner kapag magkakasama kami. Para daw makuha ko agad ang kumpiyansa nila. Ewan ko ba kay Cassidy kung ano tong gusto niyang gawin. Kinakabahan na ako ngayon pa lang...
Pinipilit ko na nga lang tumawa o mag-enjoy sa mga pinag-uusapan nila kahit medyo offensive na o minsan naman napaka-boring. Imagine, pinag-uusapan nila kung bakit may mga taong NBSB o NGSB na parang sakit iyon na malubha at sadyang malas lang talaga sila.
Inalam ko din ang routine ng mga football players at nalaman kong madalas sila doon tumambay sa Sport's Gym kung saan may locker rooms ang mga players. Varsity perks, ika nga. Sa mga locker nila, doon nakalagay ang uniform at mga damit nila, pati mga sapatos at iba pang personal belongings.
Nagliwanag naman ang mukha ni Cassidy nang sinabi ko sa kanya ang mga nalaman ko.
"Perfect sa plano. Now Janus, ito ang gagawin mo. Pupunta ka sa room nila Jio sa Dorm niyo at kukuha ka ng isa sa mga underwear niya. Remember, kay Jio ang kailangan natin, okay?"
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...