Pagkagising ko nung umaga ng unang araw ng School Fair, alam kong magiging masaya ang araw na ito. Sa wakas kasi, may iniisip na akong iba pagkagising ko.
Normally, puro, Good morning, amnesia boy, nagising ka na namang walang naaalalang bago.
Puro problema tungkol sa mga nawawalang ala-ala.
Pero ngayong araw na ito, may narealize lang ako. Gumising akong kumakabog na naman ang puso ko.
Syet, mahal ko na si Cassidy.
Seryoso. In love na ako sa kanya.
Hindi ko nga alam kung pano nangyari, basta mahal ko na siya.
Kinuha ko ang phone ko at ini-dial ang number niya.
Agad niya yong sinagot.
"Cassidy." Sabi ko.
"Janus," sabi naman niya sa kabilang linya na boses bagong gising din.
Natawa ako. Pag nagtatawagan kami, laging may roll call sa pangalan namin.
"Oh? May nakakatawa?" tanong niya.
"Wala... may naisip lang ako..." sabi ko. Gusto ko lang naman pakinggan ang boses niya actually.
"Ba't napatawag ka?"
"Wala lang... I want to start the day right." At boses mo ang nagpapatama sa umagang ito.
"Loko. Oy, sunduin mo ako mamayang mga 10 am. Understand? Pag di ka pumunta rito on time, bubugbugin kita..." sabi niya. May banta pa talaga siya ha.
"Opo, 10 am. Takot ko lang kaya sayo," sabi ko.
"Sige na... maliligo pa ako..." sabi niya na natatawa.
"Okay." Nawala na ang boses niya. Pero sapat na iyong narinig ko ang boses niya para gumanda ang mood ko.
Pagsapit ng nine thirty naglakad na ako papuntang Blue House. Sinigurado kong ayos ang look ko ngayon. Date ko ata ngayon kasama ang Cassidy ko kaya hindi pwedeng magmukha akong ewan.
Naka-stripes ako na polo shirt tapos pants lang tapos naka-bonnet ako para pa-bibo effect. Haha. Trip lang.
Paglabas ko, dinig ko na ang banda, ang mga hiyaw ng tao, at ang ingay ng paligid. Start of School Fair na nga! Sa wakas!
Pagpunta ko ng Blue House, hindi ko na nakita sila Owen at Atlas. Nauna na ata. May booth kasi sila dahil nga may organization sila, yung Nitwit Club.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Alam ko namang gusto lang nilang alamin kung sino ang kasama kong mamasyal sa Fair.
Maya-maya, lumabas si Cassidy mula sa dorm. Sinalubong ko siya. Kinakabahan na naman ako.
Nakasuot siya ng Spongebob shirt at white shorts tapos tinali niya yung buhok niya in a bun. It looked good on her. Napangiti ako ng wala sa oras.
"Himala, hindi ka late. Noong high school tayo, ikaw ang hari ng katamaran eh," sabi niya sabay hagod ng tingin sa akin. "Teka... Nagpapa-cute ka ba sa akin?"
"Ano?" maang ko. "Paano mo naman nasabi yan?"
"Wala lang. Cute ka kasi pag naka-bonnet," sabi niya na pwede ko na atang ikamatay. Haha.
"Bumabanat ka lang sakin eh," sabi ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinila na siya. "Tara na!"
At nagtatakbo na kami na parang mga bata papunta sa Open Field kung nasaan ang mga booths, rides, at iba pa. Ang daming tao! Tapos ang ingay pa!
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...