I wanted to run back to Cassidy and hug her that instant I left her. Kumirot yung puso ko nang makita ko yung reaksiyon niya sa sinabi namin ni Natalie.
"Ayos ka lang Janus?" untag sa'kin ni Natalie. Nasa taxi na kami pabalik ng REU.
"Ayos lang ako," sagot ko kahit hindi naman. "Salamat pala kanina."
Ngumisi si Natalie. "Ako pa? Alam mo pasalamat siya di ko siya nasampal. Bigla akong na-high blood kanina." Tapos tiningnan ako nang seryoso ni Natalie. "Pero Janus, nakita mo ba ang itsura niya when I said that to her? She still looked worried for you. Alam mo kahit galit ako kay Cassidy parang nagi-guilty ako sa ginawa natin. Nasaktan siya Janus. Hindi ko alam kung tama bang ginagawa natin 'to sa kanya. Naawa rin ako nang makita ko yung lungkot sa mga mata niya."
"Wag na muna natin siyang pag-usapan please, sumasakit ang ulo ko..." I pleaded. Ako rin naman, naawa kay Cassidy. It took a lot of effort not to go back to her and hug her.
"Sorry Janus, nakalimutan ko," napakamot si Natalie sa ulo niya. "Pero teka, tinawag mo 'kong Nat-Nat kanina. Ano yun? Yun ba ang tawag mo sa akin? Jan-Jan ka at Nat-Nat ako?"
"Ayaw mo?" tanong ko.
"OMG! Nakakakilig naman!" sabi niya sabay hampas sa braso ko. "May tawagan na tayo!" At halos magtatalon na sa tuwa si Natalie samantala para naman akong nilamon ng guilt ko sa ginawa namin ni Natalie kay Cassidy. Gusto kong i-justify yung ginawa ko. Na tama lang yun para di na ako masaktan. Pero nagi-guilty pa rin ako. Alam ko namang mali ang ginawa ko pero kailangan kong protektahan ang sarili ko mula sa sakit.
Nagulat naman ako pagkauwi ko sa Green House dahil nakita ko sina Atlas, Owen, Chari, Charles, at Vince and for some reason, si Mich. Inabangan nila ako sa may reception area. Nakita ko pang magka-holding hands sina Owen at Mich and somehow, it saddened me. Sinamahan ko sila doon sa reception area para doon ko sila ma-entertain.
"Janus, kumusta?" bungad ni Atlas. "Masakit pa ba ang ulo mo? Gusto mo ba resbakan natin yung Gian na yun?" Tinutukoy niya yung pagsuntok sa'kin ni Gian dun sa Loony Aly na naging dahilan para maalala ko yung pagkamatay ni Jared. I know I should be angry with Gian bastard pero hindi eh, I'm almost grateful that he did it. Dahil kasi dun, naaalala ko na yung nakaraan ko.
"Wag na, ayoko ng gulo."
Tahimik lang silang nagmamasid sa'kin. Lately napapansin kong bigla na lang silang natatahimik pag nagsasalita ako ng seryoso. Para bang ramdam nila yung dami ng problema ko at naiintindihan nilang hindi na ako napapasaya ng mga biro nila. "Ayos lang ako guys. Wala naman akong problema," pagsisinungaling ko. Napagkasunduan kasi namin ni Natalie na ilihim yung tungkol sa brain tumor ko.
"Eh ano naman yung sinasabi ni Natalie?" tanong ni Charles. "Totoo bang girlfriend mo na siya?" Tumango ako at nagulat silang lahat. Isa din sa mga napagkasunduan namin ni Natalie ay ang ipaalam sa lahat na may relasyon na nga kami kahit wala naman. Nagkakaintindihan kami ni Natalie na hindi namin iiwanan ang isa't-isa pero walang sapilitan ng feelings. Ginawa ko yun kasi ayoko nang kaawaan ng mga kaibigan ko. Simula kasi nang malaman nilang break na kami ni Cassidy ay ingat na ingat sila sa mga kilos nila kapag kaharap ako. Palagi na lang silang seryoso at iniiwasan nilang maging masyadong masaya. Ayoko na ng ganun. Ayoko ng sa bawat oras na nakikita nila ako ay nalulungkot sila o naaawa para sa'kin. Pag ganun kasi sila, paano pa ako makakapag-move on?
"Di nga Janus? Sinagot mo na si Natalie?" tanong ni Vince at ngumiti na lang ulit ako.
"Janus, baka naman nabibigla ka lang," komento ni Chari. Alam ko namang nabibilisan sila sa mga pangyayari. "Hindi ba masyadong mabilis ang---" Hindi na naituloy ni Chari ang sasabihin niya dahil siniko siya ni Atlas.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...