Napatitig sakin si Cassidy."Pero Janus, diba delikado yun? Hindi nga sure kung makaka-survive ka pag ginawa mo yun eh..."
"Oo nga, kaso ayoko na ring ganito ako na walang kasiguraduhan kung mawawala ba yung tumor ko o hindi..."
"Gagaling ka Janus," bulong ni Cassidy at alam kong umiiyak na naman siya. "Kung nagawa mo akong maalala ulit, I'm sure gagaling ka din..."
"Sana, asawa ko. Pero narinig kong sinabi ni Daddy kay Mommy na wala naman daw epekto ang chemo sakin. Kaya gusto ko na ring ihinto yung theraphy. Wala naman palang nagbabago... Lalo lang akong humihina..."
Hinalikan ako ni Cassidy sa pisngi. "Meron yan, Janus. Just be positive."
"Buti na nga lang at nandito kayong pamilya ko. Siguro kung hindi ka nag-exist sa buhay ko ay baka okay na rin sakin na mamatay ako. Kaso andito ka, at sa tuwing maiisip ko kung gaano siguro tayo kasaya pag gumaling ako ay pinipilit kong lakasan ang loob ko. Na kaya kong labanan itong sakit ko."
"Tama yan, Janus. Miracles happen. Just pray and have faith."
She kissed me in my cheek at pinahid ko ang luha ko. Eto na naman kasi at umiiyak na naman kami. "Gusto ko na lang magpa-opera, Cassidy. At least yun, wala ng agony. It's either, gagaling ako o hindi. Di tulad nito, nakakapagod nang umasa sa resulta ng chemo na hindi naman ata effective."
"Pero Janus, isusugal mo ang buhay mo?" tanong ng asawa ko. "Pano pala kung gagaling ka din naman pala sa chemo? Pero dahil magpapa-opera ka, isusugal mo ang buhay mo... Janus naman, wag mo naman akong iwan..."
Pinatahan ko si Cassidy. "Ganito na lang. Kausapin natin sila Mommy at Daddy bukas. Kapag pumayag sila, magpapa-opera ako. Kapag hindi, sige, hindi na ako magpapa-opera."
Tumango si Cassidy. "Basta kahit anong gawin mo, nandito lang ako sa tabi mo. Kami ng parents mo."Tumango ako. Kumirot na naman ang ulo ko at napapikit na lang ako hanggang sa nakatulog na ako.
***
Hindi pumayag sila Mommy at Daddy sa suggestion ko nang banggitin ko ang tungkol dun kinabukasan. Nangangalahati pa lang naman daw kami sa theraphy kaya hindi pa namin alam kung anong mangyayari. Kumpletuhin ko na lang daw yung isang cycle ng session bago ako magdesisyon.
Kung si Doc. Aileen naman ang tatanungin, gusto niyang gawing last option namin ang brain operation. Wag na daw muna ngayong may pag-asa pa.
Ako naman, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasa. Habang lumilipas kasi ang mga araw, patuloy ang paghina ng katawan ko. May mga umaga na nga na hindi ko na kayang tumayo at dinadalhan na lang ako nila Mommy at Daddy ng pagkain. May mga gabi na rin na hindi ko na makilala si Cassidy at natatanong ko siya kung sino siya at kung bakit nasa kwarto ko siya.
Tapos bigla siyang matataranta at magsisimulang magpakilala ulit. Tapos habang nagkukwento siya bigla ko na lang siyang maaalala at iiyak na lang ako habang sorry nang sorry sa kanya.
Naaawa ako para sa asawa ko kaya isang beses habang nasa graden kaming dalawa ay may binigay ako sa kanya na makakatulong sa kanya pag nakakalimutan ko siya.
"Janus ano to?" tanong niya at tinitigan niya yung binigay ko.
"Basahin mo," halos bulong ko na kasi pati boses ko mahina na. Ilang araw na rin ang nakalipas nang madiskubrehan kong hindi ko na kayang sumigaw o magsalita nang malakas. Kaya eto ako ngayon at palagi nang mabagal magsalita.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...