Alam kong isa ito sa mga ala-ala ko. Ganito kasi ang pakiramdam ko pag may naaalala ako.
Hindi ko alam kung bakit ako nakaharap sa salamin. Basta ang alam ko lang, pinagmamasdan ko ang itsura ko sa salamin.
Hindi kasi ako makapaniwala.
Naguguluhan na ako, kainis. Parang mga kabuteng nagsulputan sa utak ko ang mga katanungan.
Bakit ko nga ba siya kamukha?
***
Una ko siyang nakita sa may labas ng school namin. Nakatayo siya sa may poste ng Meralco sa di-kalayuan.
At nakamasid siya sa amin.
Palabas na kami noon ni Cassidy nang makita ko siya. Pero pagkakita niya samin, bigla siyang umalis.
Araw-araw, ganun ang ginagawa niya.
Nung una hinahayaan ko lang yun. Mas malaki kasi ang problema ko kay Cassidy.
Hay... si Cassidy.
Mahal ko na nga talaga siya. Kakaiba na itong nararamdaman ko.
Kaya nga inamin ko na sa kanya na ako ang nagbigay sa kanya ng marka ng Noble‘s Break.
I wanted to be honest with her.
Ganun talaga pag mahal mo ang tao, ginagawa mo ang lahat.
Even if it meant losing her.
Nang sinabi ko na rin sa kanya ang totoo, all she could do was stare at me with disbelief in her face.
Tapos umiyak siya at tumakbo palayo habang umuulan.
My heart broke seeing her like that. Grabe yung remorse ko.
Sana nga pwede kong sabihin sa kanya na hindi ko sinasadya. Pero kasi sinadya ko yun, yung gawing impiyerno ang buhay niya.
Hindi ko naman alam na magugustuhan ko siya at mamahalin ng ganito.
Ewan ko ba, high school pa nga lang ako, pero parang true love na yata to.
Totoo nga siguro yung kasabihan na ‘True love knows no age‘ kasi ang bata ko pa pero hindi ko alam na kaya ko nang magmahal ng ganito.
***
After that incident, hindi na niya ako pinapansin. She would not even throw a glance at me. I guess she really hated me that much.
Ako naman etong sising-sisi sa ginawa ko. Halos hindi na nga ako patulugin sa kakaisip ko kung papano ako makakabawi kay Cassidy.
Sinusubukan ko siyang kausapin para makapagsorry ako nang maayos. Pero parang invisible na ako sa kanya.
My friends were already wondering what was up with me. Hindi na kasi ako nakakasali sa mga kalokohan nila.
Stacey got angry at me. Nag-iiba na daw kasi ako. Cold na raw ang treatment ko sa kanya. Tapos nagalit pa siya sakin kasi di ko pinayagang bigyan ng marka ng Noble's Break si Jane for writing an article about us. Nakokonsensiya kasi ako.
Tutal palagi rin naman kaming nag-aaway, I broke up with her that instant. She stormed away seething with anger.
Nakakatawa nga eh. Dati, sabi ko sa sarili ko, iiyak talaga ako pag nagbreak kami ni Stacey. Pero nakahinga lang ako nang maluwag nang makita siyang umalis.
At dahil nga sa hindi naman ako pinapansin ni Cassidy, pinagtiyagaan ko na lang siyang pagmasdan mula sa malayo.
Sa pagmamasid ko sa kanya, dun ko lalong napansin ang araw-araw na paghihirap niya mula sa marka ng Noble‘s Break lalo na mula sa mga members ng Alpha Pizza Pie.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...