39. Signs

1.1K 30 0
                                    

"Pero sa isang kondisyon."

Tiningnan lang ako ni Jared.

"Magpalit tayo ng buhay, Jared. Kahit isang araw lang," sabi ko na seryosong-seryoso. "Pagkatapos natin dito, uuwi ka sa bahay namin at ako naman sa inyo. We will pretend to be each other until tomorrow."

Nanlaki ang mga mata ni Jared. Muntik na nga akong matawa sa expression ng mukha niya dahil nakita ko kung ano ang posibleng itsura ko pag nagugulat. Carbon copy ba naman kami eh.

"Seryoso ka ba? Ayoko! Isa pa, mahahalata tayo! Hindi bagay satin ang mang-gaya ng mga teleserye!"

"Ayaw mo bang makasama ang tunay mong mga magulang kahit isang araw lang? Ganun ba kabato ang puso mo sa tunay na pamilya mo? Siguro kung ako yung nasa kalagayan mo, matagal na akong nagpakilala," sagot ko. Hindi ko alam kung saan hugot ang mga sinasabi ko, pero pakiramdam ko kailangan kong sabihin yun.

"Ibahin mo ako," sabi ni Jared. "Ayokong---"

"Please, Jared," pagpipilit ko, "sulitin mo na habang pwede pa."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman niya.

"Sila Mommy at Daddy kasi, nagbabalak na dun na kami tumira sa Singapore. Gusto nga nila na doon na ako mag-college. Matagal na nilang plano yan, di lang matuloy-tuloy kasi lagi akong kumokontra. Pero ngayon, mukhang matutuloy na..."

Totoo yun. Nababanggit na ni Daddy ang balak niyang umalis na kami. May bahay naman siya doon sa Singapore kaya hindi naman kami mahihirapan. Baka rin pumayag nako this time sa pangungulit ni Daddy kasi wala na rin akong dahilan para manatili pa.

"Aalis kayo? For good?" ulit na tanong ni Jared. Nag-iba ang timpla ng itsura niya nang sinabi ko yun.

Tumango ako. "Habang nandito pa kami, sana maisipan mong makipag-bonding muna sa kanila."

Alam kong mahirap pilitin ang taong ayaw magpapilit pero naaaawa ako kina Mommy at Daddy. Aalis silang di man lang nila alam na buhay pa ang isa nilang anak.

"Bakit mo ginagawa to?" tanong niya na parang nagdududa.

"Ayokong pagsisihan to kung sakaling di ko ito gawin," sagot ko naman.

"Hindi kita makuha Janus, kilala kita noon pa. Palagi kitang pinagmamasdan. Alam ko ang ugali mo. Kaya bakit parang bigla kang bumait?" tanong niya.

Natawa ako. "Kilala mo ko? Doppelganger nga kita..." sabi ko tapos bigla kong naalala yung sinabi ni Cassidy na parang ako daw ang doppelganger boyfriend niya. "Ah mali, ako pala ang doppelganger mo. Jared, let us just say that I had a change of heart. Isa pa hindi na kita pwedeng pabayaan ngayon. You're my twin brother and twins are supposed to be close with each other."

"Ayoko pa rin."

"Ayaw mo pa rin? Magiging classmate mo buong araw si Cassidy bukas, tapos aayaw ka parin?"

Nag-isip muna siya habang nakatingin sakin na nagdududa. Samantalang ako, parang nadudurog na ang puso ko sa pagpapaka-martir ko. Pero ganun talaga.

If only Cassidy loved me enough.

Pero hindi naman yun mangyayari. So I am pushing myself away. Siguro eto talaga ang role ko sa mundo, ang paglapitin pa lalo sina Jared at Cassidy. Baka nga sila talaga ang nakatadhana sa isa't-isa.

Nalito lang naman ata si Cassidy saken kasi kamukha ko si Jared. Hindi siguro ako dapat umasa at naniwalang magugustuhan din ako ni Cassidy. Nagpanggap lang naman siya para magantihan ako.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon