50. Sacrifices

885 27 7
                                    

Lumapit si Cassidy sa amin habang ako ay tulala lang na nakatitig sa kanya.

Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito kami kina Owen?

"Cassidy! You're here! Akala ko ba di ka makakasama?" tanong agad ni Atlas na sumalubong kay Cassidy. Lahat kami nakatingin pa rin sa kanya.

Inimbitahan pala siya nila Atlas na sumama rito? Pero sabagay, member pala si Cassidy ng Nitwit Club kaya malamang invited  naman talaga siya in the first place.

"Akala ko nga talaga eh di ako makakapunta," sagot ni Cassidy na halatang nag-iiwas ng tingin sa'kin.

"Mas masaya nga pag andito ka!" sabi pa ni Owen. "Asan pala si Gian? Bakit di mo kasama?"

"Nasa El Nido siya ngayon, may biglaan lang na inasikaso," sagot ni Cassidy. "Sorry nagulat ko yata kayo..." Lahat naman sila napatingin sa akin.

"Ayos lang Cassidy, welcome ka naman dito," sabi na lang ni Owen na naramdaman yata ang awkwardness sa pagitan namin ni Cassidy.

"Pero ayos lang ba talaga na nandito si Cassidy kahit kasama natin si Janus?" biglang natanong ni Mich at napatingin sa'kin bigla si Cassidy. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Galit ba siya o nag-aalangan siya o nahihiya lang talaga siya? Napansin ko kasing malungkot ang mga mata niya pero pinilit niyang ngumiti. Nilapitan naman ako agad ni Atlas at inakbayan niya ako palayo sa barkada.

"Janus, ayos lang naman di ba kung andito si Cassidy?" nag-aalangang tanong ni Atlas. "Di ba hindi mo naman ulit siya naaalala?"

"H-Ha? Ah... oo. Ayos lang. Wala... na akong maalala sa kanya. At wag niyo na nga akong masyadong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko..." All the while I was stammering and I prayed that Atlas did not noticed that I was lying.

"Sigurado ka ha?" paniniguro ni Atlas. "Concerned lang naman kami sa inyo kasi three days rin tayo dito. Baka mamaya may mga feels pa pala kayo sa isa't-isa at mag-shoot na lang kayo ng music video diyan."

"Walang mangyayaring ganyan," sabi ko. I tried to smile para maniwala si Atlas sa akin.

"Dapat lang Janus," sagot ni Atlas. "Nagpunta tayo rito para magrelax, remember that parekoy. Tara na sa loob." Tinapik ako sa balikat ni Atlas at sumunod na kami sa mga kasama namin na nagsipasukan na sa bahay nila Owen. Alam kong magiging mahirap na magpanggap  na okay lang ako sa harap ni Cassidy pero pipilitin ko alang-alang na rin sa mga kaibigan ko. Ayoko namang masira ang bakasyong ito dahil sa'kin o kay Cassidy.

***

Sa farm nila Owen kami nananghalian at namangha kami sa lawak ng lugar. Ang dami kasi nilang mga puno ng prutas at mga tanim na gulay sa malawak na lupain nila tapos may mga alagang hayop pa sila. May babuyan, manukan at fish pond din sila. Dun kami talaga bumilib sa fish pond nila kasi sa gitna nun ay may isang floating cottage kung saan pwedeng magtambay. Doon kami kumain at siyempre tuwang-tuwa kaming lahat sa dami ng nakahaing pagkain na bagong harvest pa.

Ang saya-saya ng lahat na nagkukwentuhan pero tahimik lang kaming dalawa ni Cassidy. Hindi niya pa rin ako pinapansin at naisip kong mas mabuti na rin yun. Hindi ko pa rin kasi siya maintindihan kung bakit sumama pa siya dito kina Owen ngayong alam naman niya na nandito rin ako. Akala ko kasi pumayag na siya sa pakiusap ko na layuan na niya ako. Pero eto na naman siya sa harap ko. Palagi na lang ganito.

"Uy Pareng Janus ang tahimik mo," puna sa'kin ni Vince. "Siguro namimiss mo si Natalie no? Bakit ba wala siya?"

"Di ko nga alam eh," sagot kong nakasimangot. Isa pa itong si Natalie sa mga inaalala ko. Asan na ba siya? Ba't wala siya rito? Siya lang pa naman ang nakakatulong sa'kin na gumaan ang pakiramdam ko kapag nariyan si Cassidy.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon