18. First Kiss

904 36 0
                                    

Nagulantang kami sa sinabi ni Tanner.

Seriously, lumipad at nawala yung madre, este si Atlas? Paano niya naman ginawa yun?

Pero hindi kaya... talagang mina-maligno na kami? Oh Diyos ko, kinilabutan tuloy ako. Kahit kumukuha ako ng video, napahigpit ang hawak ko kay Cassidy.

"Alis na tayo dito Pare!" hingal na sabi ni Jio kay Dave. "Ayoko na! Kalimutan na natin yung plano!"

"Tama si Jio! Dave, uwi na tayo!" sabi din ni Mich. "Ang creepy na talaga ng mga nangyayari!"

Pero hindi sila pinansin ni Dave. Hinarap niya si Cassidy. "Asan na ba si At--- este yung spirit guide?"

"Hindi nga rin namin alam..." natatakot na rin si Cassidy. Or was she acting again? "Kanina pa siya nawawala, actually. May third eye kasi yun, kaya baka nakakita pa siya ng maraming ligaw na kaluluwa dito. Mahilig kasi yung maghunting ng mga spirits."

Nagkatinginan naman sila Mich. Natatakot na kaya sila? Eto ba ang plano ngayon ni Cassidy?

"This is stupid!" sigaw bigla ni Mich. "Dapat sumama na lang ako kay Stacey sa party ng pinsan niya. Ewan ko ba kung bakit ko naisipang sumama sa inyo... Mga losers naman pala ang nandito!" Tinuro niya kami na parang mga insekto. "Naku! Kung hindi lang---"

Pero naputol ang sasabihin pa ni Mich dahil napasigaw na lang bigla si Tanner sabay turo sa likod namin.

Napalingon naman kami. Nagtaasan na lang bigla ang mga balahibo ko sa batok nang makita ko kung ano yung itinuturo ni Tanner.

Isang lalake... isang lalakeng nakasuot ng uniporme ng sundalo ang mabagal na naglalakad papunta sa direksyon namin. Base sa Kasaysayan 1 class ko, ang suot niyang uniporme ay yung pang Japanese na uniform ng mga sundalo. Okay lang sana kung hindi luwa ang isa niyang mata at putol ang isa niyang kamay na para bang galing siya sa matinding bakbakan.

"Argh!" Sumigaw na din si Peter. "Takbo na!"

Ngunit nahawakan siya ni Cassidy. "Bakit? Ano ang nakikita niyo? Wala naman akong nakikita ah!"

"Ako rin! Wala akong nakikita! Ano bang tinutukoy niyo?" dugtong ni Vince. Nagpalinga-linga siya sa spot kung saan naglalakad yung lalake na parang di niya talaga ito makita. Pero andun talaga yung lalake eh. Kitang-kita ko!

"Hindi kaya, nabuksan ang mga third eye niyo?" tanong ni Owen kina Dave. "Wala din akong nakikita."

Siniko naman ako ni Cassidy sa tiyan kaya napa-iling din ako agad. Ang saket!

"Oh my God, hindi niyo ba talaga siya nakikita? Ayan na siya oh!" sigaw ni Mich na namumutla na rin. Tatakbo na rin sana siya pero pinigilan siya ni Dave.

"Ano ba kayo? Hindi totoong multo yan!" sabi niya kay Mich sabay harap kay Cassidy. "Pinaglololoko tayo ng mga ito!"

Lagot na. Nahalata na niya agad? Sabagay, sila lang kasi ang nakakakita sa lalake, at nakapagtataka naman kasi yun.

"Ano? Aminin niyo na! Niloloko niyo kami diba?" sigaw ulit ni Dave. "Isa tong malaking prank!"

"Hindi kita maintindihan," sabi ni Cassidy kay Dave. Sumeryoso ang boses niya. "Hindi ito isang prank. Isa itong pag-aalay..." At tumawa siya ng malakas... at evil laugh yun! Shet, ang husay ni Cassidy umacting!

"Anong alay?" Naguguluhan nang tanong ni Mich. Sila Dave, Jio, Tanner at Peter ay halatang di na naniniwala kay Cassidy, pero itong si Mich ay natatakot pa rin ata.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon