61. Forever

987 26 4
                                    

I was scheduled to undergo in a major brain operation three days from now. Wala na rin kasing silbi yung chemotheraphy. Hindi naman naging effective sakin. Lumala lang tuloy ang sakit ko. Siyempre, takot yung unang rumihistro sakin pagkarinig ko sa sinabi nila Mommy at Daddy.

Eto na kasi yun eh. I could survive or I could die. Pwedeng magising ako pagkatapos ng operasyon o pwedeng hindi na. Pwedeng gumaling ako at sasaya na ulit kami ni Cassidy o pwede ring iwan ko na siya nang tuluyan.

Nakausap na rin pala ni Daddy yung mga neuro-surgeons galing US. Okay naman daw kay Daddy yung mga doktor. Kinausap din nila ako ng personal para maipaliwanag nang maayos yung gagawing brain operation. Confident daw sila na maaalis nila yung tumor. May mas malala pa daw sa sitwasyon ko na napagaling nila kaya positive sila na gagaling ako. Kaya agad na nila akong pina-schedule dahil hindi rin daw magandang pinatatagal ang kondisyon ko lalo na't palagi nang kumikirot ang ulo ko. Sa katunayan nga, yung kirot na yung normal at yung mga pagkawala ng sakit ng ulo ko yung minsan na lang nangyayari. Dahil dun, palagi na lang akong nakahiga sa hospital bed. Somehow, the realization that the tumor was beating me saddened me bigtime. And I feel disappointed with myself.

Kahit kasi tanggap ko naman yung realidad, kahit naman alam ko kung ano yung totoo, deep inside umasa ako. At the back of my mind I was hoping that I was going to get well. Na hindi na hahantong pa sa brain operation. Naniwala akong kaya ko ngang gumaling. Kasi nagawa ko ngang mahalin at maalala ulit si Cassidy eh. So I was kind of hoping that there was a saving grace for me.

But I knew better now. Alam kong hindi biro ang isang brain operation. When they cut your head open, you will never be the same again. Oo, it's possible that they can remove the tumor. Pero hindi pa dun nagtatapos ang kalbaryo ko kung sakaling maalis nga nila yung tumor. Ang utak ang pinaka-sensitive na bahagi ng katawan ng tao at kapag nagagalaw daw ito ay nagkakaroon dito ng complications. Pwedeng pagkatapos ng operation sakin ay di parin ako gumaling. O ma-impeksyon ako. Or worse, di kayanin ng utak

ko at ma-comatose na naman ako. Lahat ng posibleng mangyari, sinabi samin ng mga doktor, para alam naming isang malaking risk ang gagawin namin.

My mother did not want the operation, but we had no choice. Sabi nga ni Doc. Aileen, ito na yung last option ko. Wala na akong ibang alternative. And that's what really saddens me. Kasi nakukulangan ako sa oras na natitira sakin bago ang brain operation. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako kay Cassidy pagkatapos kaya dapat sinusulit ko na sana yung mga oras ko na kasama ko pa siya. Ang kaso naman masyado na akong mahina at di na nga ako makapagsalita. Buong araw na lang akong natulog. Kapag nagigising naman ako ay nag-iisip na lang ako ng mga what ifs.

Kung what if ay gumaling ako, ano kaya ang una kong gagawin? Malamang mamamasyal kami ni Cassidy. Ang tagal na rin kasi naming di nakakapamasyal. Gusto ko nang makapaglakad-lakad kasama siya gaya ng dati. Gusto ko nang makapag-bonding ulit kami ni Cassidy bago man lang ang operation sakin. Ngunit mukhang imposible na yun ngayon.

"Pagod ka na ba, Janus?" tanong ni Cassidy na nasa tabi ko. She kissed me on my forehead. Agad akong umiling. Nginitian ko din siya.

Tumango naman siya. "Sige. Matulog ka na lang ulit pag napapagod ka na ha... Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Makakasama lang sayo ang pag-iisip."

Buong araw akong binantayan ni Cassidy. Hindi niya ako iniwan. Kahit nga sinasabihan siya ni Mommy na magpahinga muna at umuwi sa bahay ay umiiling lang siya. Siguro tulad ko, sinusulit na rin niya yung natitira kong oras. Siguro iniisip din niya na malaki nga talaga ang posibilidad na mawala ako kaya ayaw na niya akong iwan.

Nag-aalala na ako para sa kanya. Sa totoo lang, wala na sakin kung mamamatay na nga talaga ako. I was prepared for the worst. What worried me was how Cassidy was going to take all of this. Kilala ko siya. Mas gusto niya na sinosolo ang problema. Kaya kung mamamatay man ako, alam kong mawawala siya kaya hindi siya madadamayan ng mga kaibigan namin. Ngayon pa lang nararamdaman ko na yung posibleng matinding sakit na pagdaanan ni Cassidy pag mawala ako. Dahil dun, pinipilit kong lumaban. Kumakapit pa rin ako sa ideyang malulusutan ko ito. Kasi may naghihintay sakin. May umaasa na babalik ako.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon