36. Clues

950 33 1
                                    

Agad kaming bumalik ni Mommy ng Manila. 

Gusto na rin sanang sumama nila Atlas pauwi pero hindi ako pumayag kasi sayang naman yung pagpunta nila sa El Nido kung agad din silang aalis. Sinabi ko na lang na-i-enjoy na lang nila yung bakasyon nila.

"Mommy? Ba't naman tayo agad umuwi? Hindi ka man lang nakapagrelax dun," tanong ko. Nasa taxi na kami galing airport. Papunta na kami sa dati naming bahay. Dun daw muna kami titira, tutal isang linggo pa naman bago magsimula ulit ang klase.

Kahit papano nalungkot ako nang malaman kong di ako babalik ng Dorm agad. Pakiramdam ko kasi mas parang  bahay ko yun kesa sa tunay naming bahay.

"I told you anak, hindi ako nagpunta dun para magbakasyon. Kinuha lang kita."

"Eh bakit naman po tayo nagmamadali?"

Mukhang nakulitan si Mommy. "I have been disapointed with you Janus. Sinabi ko na hindi ka pwedeng magtravel nang matagal diba? Pero pumunta ka ng El Nido ng hindi nagpapaalam sakin. Tapos nalaman ko kay Stacey na sumama ka pa sa Dapitan Fieldtrip niyo. You're risking your health."

Si Stacey nga ang nagsabi. Close pala si Stacey kay Mommy? 

I shook my head sa sinabi ni Mommy. "No, Mommy. I'm just trying to live a normal life. Gusto ko rin namang makalimutan na may sakit ako." Totoo naman eh. Ayoko ng buhay ko sa Singapore. Para akong preso sa bahay doon. Kaya simula nang bumalik ako dito sa Pilipinas at sa REU ako nag-aral pakiramdam ko lumaya ako mula sa pagkakakulong.

Bigla namang lumambot ang expression ni Mommy. "Janus, anak. Please dont get mad at me. I'm doing this for your health."

"Sabihin niyo kasi kung ano talaga tong kondisyon ko para alam ko ang mga pwede at di ko pwedeng gawin. Hindi ako naniniwalang dala pa rin to ng temporary memory loss ko." Alam kong may alam si Mommy sa mga nangyayari sakin. Siguro naman nasa tamang edad nako para malaman lahat diba?

"Of course it's still because of your temporary memory loss. Nang maaksidente ka, you suffered a severe brain damage. Siyempre naapektuhan ang utak mo, anak. Sinabi ko naman sayo noon diba? Bawal kang ma-stress. Bawal din sayo ang alak at sigarilyo. Kahit yung mga pagkaing malalakas yung caffeine content bawal sayo. Saka bawal kang magbiyahe nang matagal kasi agad napapagod ang utak mo. Your brain is delicate, Janus. So much delicate."

Tumango ako. " Minsan gusto ko ngang lagi na lang sumakit ang ulo ko para may maalala ulit ako," sabi ko. 

Parang kinabahan naman si Mommy. "Bakit Janus, may naaalala ka na ba?"

Tumango ako. "Konti pa lang. Kapag kasi sumasakit nang matindi yung ulo ko, minsan may mga naaalala ako. Pero para sakin di pa yun sapat."

Nanlaki naman ang mga mata ni Mommy. "Bukas na bukas din, pupunta tayo sa doctor mo. We need to check you up. Your head should not hurt that anymore, nasa healing stage ka na! Kailangan nating mapigilan ang pagsakit ng ulo mo!"

"Pero Mommy---"

"My decision is final Janus. Alam kong ayaw na ayaw mong magpa-check up pero para naman sayo to. I dont want you to suffer."

"Fine," naiinis na sabi ko. Then may naalala ako. "Mommy... can you tell me something? Kilala mo ba si Jared Oliveros?"

Napatulala si Mommy sa narinig niya. Nagulat ata na alam ko na ang tungkol kay Jared. 

"Wala... bakit?" pero halatang nanginginig naman yung boses niya.

"Sigurado po ba kayo? Eh kasi... gusto kong malaman kung bakit kami magkamukha..." sagot ko. Simula nang malaman ko kung sino si Jared sa buhay ko, gusto ko na siyang itanong kay Mommy at Daddy. Buti na lang naalala ko siyang itanong ngayon kay Mommy.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon