Kami na ni Cassidy.
Pwede na akong mamatay!
Pero siyempre joke lang. Ayoko pang mamatay! Ngayon ko pa nga lang naa-appreciate ang buhay ko eh! Haha.
Hindi ko alam kung paano nangyari, basta yun na yun. Pagkatapos kong kantahin yung kanta namin ni Cassidy, alam kong kami na.
Well, not officially. Wala naman kasi kaming sinasabi sa isa't-isa na kami na nga talaga. Emotionally siguro, oo. Alam kong parehas na kami nang nararamdaman. I can just feel it.
Pinahid ko yung luha niya, tapos tinitigan ko siya sa mukha niya. Other people will find her unatrractive. Still, others will find her boring.
But I beg to disagree.
Siya ang pinakamaganda sa kanilang lahat.
Kumakabog na naman ang dibdib ko na parang sasabog na bulkan. At hindi ko na yun napigilan.
Hinalikan ko siya sa labi niya.
Marahan lang ang halik na iyon. At mabilis lang. Pero yun na ata ang pinakamabagal na mabilis na sandali ng buhay ko.
Kakaiba yung sensation ng kiss namin. Para akong nakalutang sa mga ulap sa nararamdaman ko. Ganito nga siguro ang lasa ng mga ulap. Kasingtamis at kasingtapat ng halik na ito.
Tahimik kaming naglakad pabalik ng mga Dorm namin. Magkahawak kamay kami. Nawala na sa isip ko na puno pala kami ng putik, tapos dumi galing sa itlog at kamatis. Walang makasisira sa sayang nararamdaman ko ngayon.
“Cassidy…” tawag ko sa kanya. Marami kasi akong gustong sabihin.
“Janus…” sabi naman niya. Nakangiti na siya ngayon. Mabagal lang kaming maglakad na parang sa amin ang buong Pilar Avenue.
“Gusto kong malaman mo Cassidy, kung ano ang nilalaman nito…” sabi ko sabay turo sa puso ko. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa kumakabog kong dibdib.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. Speech kasi ang sasabihin ko eh.
Nakapatong pa rin ang kamay niya sa dibdib ko.
“Gusto kong ipatong mo lang yang kamay mo habang nagsasalita ako ha… para kung bumagal ang tibok ng puso ko… ibig sabihin nagsisinungaling ako…”
Ngumiti si Cassidy. May sinasabi siya. Mahina ang boses niya na almost a whisper. “Kahit kailan, gago ka talaga. Lagi ka na lang gumagawa ng mga bagay na di ko inaasahan sayo…”
Ngumiti ako. Ang dali lang talagang ngumiti sa mga sinasabi niya.
“Cassidy, mahal na mahal kita. Sumasabog… oo, sumasabog ang puso ko sa tuwa sa bawat sandaling kasama kita. Pag andiyan ka, balewala na ang lahat. Even the surroundings get duller in my vision pag andiyan ka. Parang ikaw lang yata talaga ang tama sa paningin ko. O baka bulag na ako…”
“ng pag-ibig ko sayo…”
Natawa naman siya. “Ang corny mo!”
Aba at binatukan pa ako ha!
“Aish! Cassidy, wag kang mag-interrupt! Speech to ng puso ko… saka corny na kung corny… basta ba ikaw ang dahilan kung bakit ako corny… wala akong pakialam,” sagot ko.
Huminga ulit ako nang malalim. Kailangan ko nang sabihin tong mga nararamdaman ko eh.
“Alam mo ba nung nasa Singapore ako at wala pa akong naaalala kahit ano, palagi ko nalang nararamdaman na may kulang sa akin… na para bang may nakalimutan akong napakahalagang bagay… kaya nga ako bumalik dito para hanapin yun eh. Akala ko sila Stacey na at ang buong barkada yung hinahanap ko… yun pala, ikaw na pala yun…”
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...