27. Pretend

890 33 1
                                    

Sumasakit na naman ang ulo ko.

Sa sobrang kirot akala ko may bumibiyak na sa ulo ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ang mga nangyayari...

***

Mabigat daw ang pakiramdam ko. Nalaman ko daw kasing nakipagbalikan si Cassidy sa ex niya...

 Ang sakit sa pakiramdam... Parang, ang bigat ng puso ko pag naaalala ko na may ibang lalake na nakakapagpasaya kay Cassidy. Akala ko kasi ako na yung taong yun.

But I was such an asshole.

Una, binigyan ko siya ng impiyernong buhay by giving her the Noble Break's mark. Akala ko mapagbabayaran ko na ang kasalanan kong iyon nang suyuin ko siya at halos maging personal na alipin niya at alalay.

Akala ko, lalambot din ang puso niya at mapapatawad niya ako. Akala ko, makapagsisimula muli kami, kahit bilang kaibigan lang muna. Akala ko, magugustuhan niya din ako pag nakita niya ang effort ko na mapatawad niya.

Pero mali ako. Nasaktan ko ata siya nang makita niya kami ni Stacey na magkahalikan sa school publication's office. Kahit pa sabihin na nating sinadya yun ni Stacey--- yung nangyari dun. Tuluyan nang nawala si Cassidy sa akin. Sinayang ko lang ang pagkakataon ko.

Kaya sinalo siya ng ex niya.

Naging interesado ako sa katauhan ng ex niya kasi gusto kong maintindihan kung bakit siya binalikan ni Cassidy. At nakilala ko nga siya.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Dahil sa nalaman ko... mas lalong di ko na maaaring ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Cassidy. Naging malapit na rin kasi  sa akin si Jared, at oo, napamahal na din siya sa akin. Ayoko rin siyang masaktan.

Kaya kahit masakit, hinayaan ko silang dalawa. 

I kept my distance from them. Pinapanood ko lang sila mula sa malayo. Iniisip ko na lang na deserving nga siguro si Jared para kay Cassidy dahil di siya tulad ko na gago. Ibang-iba siya sa akin.

I decided to return to Stacey. Kahit pa wala na talaga akong feelings para sa kanya. I know it was wrong to go back to her, but I had no choice. Minahal ko rin naman siya siguro kahit papano. Akala ko pag bumalik ako sa kanya makakalimutan ko na si Cassidy.

But I was wrong again. In fact, lumala lang ang pagkagusto ko kay Cassidy. 

It was a gloomy day for me. 

Akala ko wala nang mas sasakit pa sa nangyari sa akin. 

Pero meron pa pala. 

Umiiyak sa harapan ko si Jared habang sapo-sapo niya ang bibig niyang pinadugo ko kanina sa galit ko.

"Gago ka!" sigaw ko. Gusto ko siyang lumpuhin, bugbugin at karatehin. Pero di ko magawa. Naaawa din kasi ako sa kanya kahit gaano pa ako kagalit.

Humagulhol lang si Jared. Napakaiyakin talaga niya. Kahit noong una naming magkita umiyak siya sa tuwa. Parehas sila ni Cassidy. Pero kalalaki niyang tao napakaiyakin niya.

"Wag namang pati ikaw ay magalit oh," sabi niya. "Akala ko pa naman eh ikaw ang makakaintindi sa akin ng husto."

Gusto kong sabihing naiintindihan ko siya kung hindi lang mahal na mahal ko ang babaeng niloko niya. Pero sinubukan kong magtimpi.

"So anong balak mo ngayon? Pananagutan mo ba yang babaeng nabuntis mo?" tanong ko. Dapat masaya ako ngayon kasi kapag nalaman ni Cassidy na niloloko lang siya ni Jared, maghihiwalay sila.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon