35. Bucket List

971 34 0
                                    

Gabi na nang bumalik ako ng resort. Nagtagal rin ako sa may dalampasigan.

Wala lang. Nagliwaliw lang. 

Di rin naman nagtagal at sinundo ako ni Natalie. Hinahanap na daw ako nila Atlas. Base sa expression niya mukhang may magandang nangyari nang nawala ako.

"Something happened?" usisa ko sa kanya habang pabalik kami ng resort ni Gian bastard.

"Yes," pa-misteryosang sagot ni Natalie.

"Anong nangyari?" tanong ko. 

"May dinner party ngayon sa resort. Kaya nga pinababalik ka na nila. Celebration na rin ni Cassidy."

Tinitigan ko si Natalie. "Oh tapos ano pa?" tanong ko kasi hindi ako naniniwalang yun lang ang nangyari. Sa ngiti niyang yan?

"Basta..." sabi ni Natalie at pumasok na kami ng resto. May narinig na agad akong sigawan, tawanan at music sa loob. Mukha ngang malaking party ito ah. Siguro pakana ito ni Gian bastard para magpa-impress kay Cassidy. Siya naman ang may-ari ng resort na to. Kayang-kaya niya yung gawin.

"Oh, Janus! Tara, kain ka na!" salubong ni Kuya Jigs at inakbayan niya ako papunta sa malaking table kung saan nakalatag ang napakaraming pagkain. Andun sina Vince, Chari, Owen, at Mich. Hindi ko alam kung paano napunta sina Mich at Natalie sa party na ito pero mukha namang walang problema ang barkada na nandito yung dalawa although pansin kong may konting hiya kay Mich. Hindi naman kasi siya sanay na wala sila Stacey sa mga ganitong okasyon. 

Nakatingin silang lahat sakin, at himalang nawawala si Gian bastard.

"Upo ka pare!" hinila naman ako ni Kuya Xander papunta sa isang upuan. Bakante yung katabi nito at himalang walang umuupo dun. Nagsi-upuan na ang lahat para kumain.

Hindi ko makita si Cassidy. 

Bigla namang kumulo ang dugo ko kasi nawawala din siya. Malamang magkasama sila ni Gian bastard. Pero teka, birthday celebration niya tapos wala siya? At bakit wala rin sila Atlas at Charles? Asan ang mga mokong na yun?

Maya-maya dumating si Cassidy. Muntik na kong masamid sa iniinom kong iced tea kasi kakaiba naman yung suot niya. Nakasuot siya ng isang traditional Chinese costume na kulay pula. Aakalainin mo talagang isa siyang Chinese. Pati mata niya nilagyan niya ng konting eyeliner sa gilid para sumingkit ng konti.

Ano naman kaya ang trip niya?

"Uy, ang ganda naman ng Birthday Girl!" si Owen. Nagpalakpakan pa silang lahat habang kumakanta ng Happy Birthday. Umupo si Cassidy  sa bakanteng seat sa tabi ko na na-realize ko ngayon na pinagplanuhan pala nilang lahat. Pinanlakihan ko ng mata sila Natalie at Owen at ngumisi lang yung mga yun.

Sumulyap sakin si Cassidy. Nag-iwas naman ako ng tingin. 

Hindi sa galit ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin kasi baka hindi ako makapagpigil at itakbo ko siya ngayon kasi kahit Chinese-inspired ang outfit niya ngayon ay ang ganda-ganda pa rin niya. 

Kaya nag-iwas ako ng tingin, kasi dapat makapag-usap muna kami nang masinsinan tungkol sa mga nangyari ngayong araw nato. But it can wait. Nagugutom na din kasi ako eh. Hahaha.

Ang daming pagkain sa mesa. Para na ngang may fiesta eh. Mukhang sponsored ito ni Gian bastard kasi alam kong mahal yung mga putaheng nakahain samin ngayon. At alam kong wala sa amin ang kayang maka-afford ng ganito kadaming sosyal na pagkain.

Pagkatapos nang mahabang kainan, nagpicturan at kulitan naman. Inisa-isa nila yung mga 'couples' sa barkada na kunan ng couple pic. Si Vince ang kumuha ng pictures. Una nilang kinunan sila Atlas at Chari. Nagpakita na sila Atlas at Charles na naka-costume naman ng pang Chinese din. Ewan ko ba sa kanila kung anong trip nila. Kahit nga si Chari hindi mapigilan ang tawa kay Atlas habang kinukunan ang picture nila.

Don't ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon